Album

Fire Exit (Bloodletting Outro)


Strange Weather in Manila
Kensa
Producer: Kensa
2023

Intro:
Kensa, Uprising
Paabot nga ‘ko ng yosi at lighter Game? Yo!

I.
Simula't sapul, mahusay na sa pagkabata Mahilig nang sumulat ng mga kwento't talata Lapis at papel ang nagsilbing sandata
Hanggang sa napunta na ‘ko dito ngunit ‘di ito tadhana

Maaga pa’y kumontra na sa pagpanata
Wala akong sinasambang nangmamanipula ng kapalaran At dumedepende sa balasa
Paswerteha’t pamalasan lang ang labanan sa baraha

Inaral mag-isa ang laro, walang kasama Kinalaban ang sarili sa Salpakan at sa Dama Kasi sa aking bayan, kanya-kanya pang galawan Kaya lahat ng tropa ko, malayo ang tahanan

Kaya paktay ka diha!
Ang tanging mahalaga, yung pagkatao at yung panloob na diwa Walang sikolohiya:
Daig ang batugang may pinag-aralan sa matiyagang soloista

Wag kang magkamali, wala akong pinapanigan Sa storya, di ako ang bida o ang kontrabida Ituring mo akong tagalabas na koluminstang Tagapagsalaysay ng naratibo at balita

Pero tagatugis din ng kamalian
ng mga perpektong halimbawang h’wag pamamarisan Dapat pabagsakin ang sablay na kaharian
Kung mali ang plataporma pagkasalang sa tarima
 
II.
Tinitibag na pag naluma ang sandigan Pilit tinutuwid kung baluktot ang katwiran Ang kabaitan ay huwad na katangian
Kung may kaakibat na pagkukunsinte sa kamalian

Ako’y namulat sa mga talentong pambihira Nujabes, J Dilla, kay Bender, at Eyedea
Na may bahid ng pusong metal mala-Jamir Garcia Limang pumanaw na pang-habangbuhay ang adhika

Pag-aagawan pa tropeo sa patimpalak
Pare-parehas lang naman tayo nakatanikala
Sa maling akalang tayo ang hukom sa mali o tama Magsuri muna bago magkalat ng paniniwala

Pinalad sa tipa kaya kamit ang gantimpala Pinalad ang sawi na mahatid ang talinghaga Pinatalas ang pagkakabit-kabit sa alibata Kaya klaro pagkasulat sa lente ng antipara

Kakasimula, wala pang isang dekada
Bawat kwentong inuulat, may buhay at may hiwaga Parang pinaghalong kabute at marijuana
Kaya napabilang sa matibay na barikada

Pero kanya-kanya kami ng kaisipan Di magkapare-pareho ng abilidad
Sakop bawat dimensyon, mas malalim sa balon Lampas-lampasan pa sa paglabas sa kahon

III.
Punong-puno ng elemento, purong-puro ang katha Puro putol na puno pag pinulong-pulong ang akda Ang pulut-pukyutan ay sa tulong-tulong nagawa Yan kapupulutang puno't dulo ng lahat

Ngayo'y naunawaan na ang puntong nilahad Ang itinanim, siyang tutubong puno at sanga
 
Kung mapuluputan ay putulin na agad
Bago pa mapunta sa pag nasa puntod na lahat

Kaya’t naalala ko pa
Nung nagsilapit ang mga kunwaring dating kaibigan Malaman-laman kung saan ako kabilang na kapatiran Aba, biglang nagsi-baitan, lambing-lambingan

Wala silang pakialam sa pagkatao mo Bulag sila sa tulo ng 'yong pawis at dugo
D'yan matatanaw ang ahas kung ang pangil ay bulok Pag di bigyan-pinsan ay matayog na kuno?

Unang-una sa lahat, di ako lumilipad Nakatungtong lang ako sa makamundong realidad Kasalanan ko pa ba kung sulat ko'y lumiliyab?
Kaya nahahambing sa mga talang kumikislap

Kahit di ko intensyon ang makipagsabayan Nagkataon lang na kilala ang mga kasabayan Ang makilala ang pinakawalang kahalagahan
Kung pwede lang mag-rap na walang mukha't pangalan

IV.
Ang tanging pamamalakad ay ang hangaring magpalaya ng kaisipang nakakulong sa pagpaparaya
ng mamamatay-tao, magnanakaw, mandaraya
At maging mga demonyong na-nananampalataya

Lahat ay may hangganan, wag kang magsayang ng oras Pero wag madaliin, ‘di ka naman gahol sa oras Tumakbo ka papalayo sa pagtakbo ng oras
Hanggang sa makawala na sa paghahabol ng oras

‘Di ba? Dire-diretso pa rin ‘to, wala ‘tong preno
‘Tong bagang na merong bagang nagbabaga sa impyerno Magaling bagang? Talo ka pa rin sa taga-Quezon Pagdura nare, walang maliligtas na sentimiyento
 
O, ikaw ba’y nagulantang sa ‘king dialekto? 'To’y patunay, di lang sa Maynila may talento Inglisero talaga, napakita ko na yan sa album
I just went with this today 'cause y'all been giving me a tantrum

I can desecrate any emcee in my direction
Y’all can switch to any language, can you step to my inventions?
Writing with finesse, concepts you’d never imagine ‘Cause your mind is steady, dilly-dallyin’ in one dimension

EZ lang ‘di ba? Walang ka-effort effort
Di katulad ng iba na feel na feel pa kung mag-N word Ops! Di naman sa pagiging politikal
Ang mahirap, yung maging natural at orihinal

V.
Kung ang presidente ay kayang patalsikin
Ba't di yung mga nagdyo-dyos-dyosang hari ng lagim? Matatandang di naniniwala sa ebolusyon
Pwes kami ang tagapagtaguyod ng rebolusyon!

Bata pa lang ako, wala nang tinuturing na sagrado Sa sarili kong eskwela, trinatong ekskomulgado Walang pangkat-pangkat, pantay-pantay tayo na tao Binibitay nang buhay ang mga uhaw sa trono

Umaalingasaw na ang inseguridad
Kaya umaastang pulis, sundalo, parak, awtoridad Kaya nga ang bansag sa atin ay alagad ng sining Dun ka lang sa mismong sining magpapaalipin

Hinulma ang kultura kontra sa kapulisan Kung katulad ka nila, nakalubog sa putikan Ang iyong kaluluwa at dignidad at prinsipyo
Ta's gagamit ng elitismo eh takot sa kritisismo?

Nakakabingi na walang hinaing patungo sa korona Ta's ang dami pang nagdadalawang-isip sa bakuna Wala nang lunas kung ang sakuna ay saradong utak
 
Sila yung pikit-matang mauunang 'di na mumulat

Wala akong pasensya sa hindi pabor sa siyensya Na sadyang tumatalikod sa pruweba't ebidensya Pawang isip-delingkwenteng walang etiketa Mga salot sa lipunan na banta sa eksistensya

VI.
Nag-uumpisa na ang tunay na laban
Lantaran na sa panggagago, mga sungay nagtanan May mga nagsilitaw na sa ganansya ay gahaman Kikitil ng tao hangga't di siya malubog sa yaman

Makinig sa mga hinaing at panawagan
Tayo ang susulat ng sentensyang papatawan Sa mga kawatang walang-sawa sa kasalanan
Na walang kaawatang walang awa sa walang laban

Ang ating lupa ay kulungang malawak
Tunay nga ba na malaya kung tuluyang manghamak, mangapak At mangwarak ng mga pangarap nang walang kagalang-galang Ang mga nanunumpa maging sanggalang?

Karamihan ng nasa tungkulin ay hindi tapat
Kaya h’wag na h’wag mo 'kong susumbatang hindi lahat Lumalaban nang di patas, maliit ba ang bayag?
Iiyak pa sa puna at malayang paghahayag

Mga astang panginoon, hukom, at abugado
Agad-agarang kamatayang sentensya sa akusado Patong-patong na kaso ang mga abusado
Kating-kati mangalabit, ba't ba kayo apurado?

Ta's gusto mo ng parusang kamatayan? Habang nasa gantong kalagayan?
Dagdag kapangyarihang gumawa ng kahalayan?
Ano ang paroroonan ng hindi lumilingon sa kasaysayan?

VII.
Isang saludo para sa mga galit
Isang saludo para sa patuloy kumakapit Isang saludo para sa mga yumao
At isang daang ngarat sa mga opisyal na barumbado

Kung patuloy kang nakikinig, isang salamat Tagos sa lalamunan, kailangan na ng salabat Aanhin ko pa ang bente-kwatrong bara?
Bente-kwatrong oras na 'kong nagra-rap sa daan-daan na bara! Tang ina.



OTHER LYRICS

Tinda ni Linda

Sari-Sari Story
Gloc-9
2024 Album

Sino (Interlude)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Oskar Barnack Oscar Grant

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Heist

Ligtas
Bawal Clan x Owfuck
2020 Album

Better Half

Into Your Program
Skarm
2014 Album

FEATURED ARTICLES