Album

Amygdala Malfunction (feat. Prolet)


Personality In Disorder
AKT
Producer: Narf Oxic
2019

Hook (8x): 

Di pa ba halata malala na (di pa ba halata) 

Ulo ko ay sira na (sira na)

 

Verse 1 (AKT):

Nakakulong sarili, sinilip sa bintana 

May sumaksak doon sa kalaro kanina 

Siya ay nagpakilala taga Metro Manila 

Lusaw na kanyang dila sa asidong mahina 

Tirik na ang mata, puti na lang ang natira 

Wala na siyang suot damit niya na'y sira sira 

Sabay kamay panay lapnos sa kaliwa 

Mga paa'y pantay luhod sablay sa may silya 

Pero di pa 'to patay makakatakbo pa 

Enrile ang lagay ng pagkatao niya 

Halatang malapit na, lalakarin mo na lang 

Nariyan na ang pinto, hahatakin mo na lang 

Hindi pa 'to umabot siya ay napatae 

Nang malamang hinablot niya'y isang binabae 

Gabi ng lagim, maliwanag ang dilim 

Sa unang tingin, patay na ang bading 

Pero mali pagkat siya daw ay tao din 

Walang tanong mabuti ba na tanungin 

Walang balak alamin tugon ng patalim 

Ito na si bading, sinaniban ni Taning 

Sinakal niya si praning, sobrang diin 

Uh uh uh, yan ang sabi ni praning 

Palitan ng suntok, untog sa salamin 

Palitang kalabog, bugbog sa may sahig 

At sa pagtayo pareho pang nakabalik 

Sa gitna ng gulo may nagnakaw ng halik 

Inakala ng lahat pareho lang nag-aadik 

Parehong pagnanasa, parehong pagkasakim 

Dagdag kwento na siguro kung meron pang baril 

Maari kong sabihin meron pang isang taksil 

Nakabantay biglang umasinta't kumalabit 

Beng beng ayy, yun ang aking narinig 

Pag silip ko ulit meron nang nakatakip 

Meron ding dumating na mga mandarakip 

Kinakausap 'tong si chief, sakin siya nakatingin 

Lahat lahat sila sa akin na papalapit 

At eto pang si chief biglaang ngumingiti 

Mukhang what is real ay kanyang ikinubli 

Ako ay binitbit pwede na ba kong umuwi 

Pilit pinapaamin di ka pwedeng humindi 

Subukang tumanggi, buto mo ay bali 

Biglaang sasabihing ang sakit mong mahalin 

April Boy pa nga kung di mo kayang tanggapin 

Namnamin mo ang hapding di mo kayang tanggalin 

Sa eksena ng krimen ikaw ang salarin 

Ikaw na nakakita nung sila ay patayin 

Sa sinabi mong taksil ikaw ang tinakwil 

Ngayon paano na kung mali na ang saksi

 

Repeat hook

 

Verse 2 (Prolet):

Hiwalay pa ko sa sarili kong katangian 

Ng tangi tanging mental na aking tinatangan 

Isalarawan kung malalaman lang nilang 

Mabababa lamang ba ang mga paratang 

Ng sarili para masisi sa mga di makaintindi 

Anong kinalaman ng kanilang nalalaman 

Sa aking nalalaman na sarili lang ang kinakalaban 

Isalarawan na gumagaya lang itong tingin sa sarili ay iba 

Mas lumalaya lang itong tingin sa sarili ay isa 

Hindi pa ba nakikita na sa mga mata na nag-iisa 

Na nakakasama ka sa mga nawawala 

Sa pag-iisip na magulo, nalito 

Napagtanto na hindi ganito ang matino 

Pero di tayo nalalayo kaya sino ka at sino 'to 

Tinanong sa sarili ko, bisyo ko ang imahinaryo 

Konteksto ang ehemplo ng peligro 

At milagro na naglalaro saking ulo 

Maging bisita ka aking luho

May nilalaan pa ko ditong natitirang pwesto



OTHER LYRICS

PRAWNLEMADO

PAUTANG NG PAG-IBIG
Hev Abi
2022 Album

Sea (An Ode)

Sea (An Ode)
Nakr
2017 Single

Elmer (feat. Jaq Dionisio and Jomal Linao)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Ako Ang Diktador

Lalim At Karimlan
Dhictah x KMG
2018 Album

Bitch Repellent (feat. WAIIAN)

Bitch Repellent
J. Blaze
2017 Single

FEATURED ARTICLES