Verse 1:
Rapper ka? Nahahalata ko sa porma
Tagilid ang sombrero, di pa kuntento, lagi lawlaw ang lonta
Magarang sapatos na degoma? Kabebenta mo siguro ng droga
Astang sindikato kada litrato, siga palagi ang aura
Kala mo cobra laging kunot noo kadalasan ka pa nakanguso
Nakabukaka maglakad san man mapadpad, mga kamay lagi nakaduro
At malamang sa malamang pag nag-rap naman, kantang pang-araw ng mga puso
May babae sa chorus ganyan ang modus pagka’t ganyan talaga ang uso
Pare ko saludo, kaya malupet na sample ng rap naman diyan
Yung mga kanta palagi radyo para madali ko lang na masakyan
Para mas masaya ating inuman
Tutal ngayon ang aking kaarawan
Sana naman ako ay pagbigyan
Simple na katuwaan lang naman kaya sige na…
Verse 2:
Rapper ka?
Sa anong gang ka kasali
Astig ka ba may baril ka ba
At ilan na napatumba mo sa kalye
Bakit, nakulong ka na ba dati
Pare diyan kasi kasi dapat binabase
Pag rapper ka daw dapat gangster ka daw
Yan pinakaimportante
Ano man mangyari, kailangan basagulerong demonyo dapat ang karakas
At dapat may bandanang nakatali sa ulo sapagkat bagay kapag semikal ang tabas
At dapat may baon kang matalas na patalim yung balisong na galing pang Batangas
Kung gusto mo maging lirikal dapat lang maging kriminal ka muna na maangas
Sa totoo lang, nais ko sana sumali kasi ang lakas niyo
Pangalan ko Thugsta Uno, sana pasado sayo ang alyas ko
Sabay pinatato ko na nga yung pangalan ng samahan ninyo sa braso
Kaya sana naman ako’y pagbigyan at isali niyo na ‘ko sa gang niyo
Sige na
Verse 3:
Rapper ka? Oo, sa entablado ako nananabik
Bat di niyo mabatid, kable ng mikropono sa puso ko na mismo to nakakabit
Tuloy sa paghasik ng mga mabagsik ng mga bara, pangyanig sa mga nagmasid
Hindi manlalamig, kahit nahusgahan base sa dami ng tato at sa damit
Uhhhh!
San ka kasi nakakita ng ganitong kakayahan
Nagpapasayaw ng mga salita at idea sa musikang lalapagan
Pano nakuha na pagtawanan isang kultura at kaalaman
Sining na may angking abilidad mambulabog ng patay na kamalayan
Kasi naman isipin mo, kung ako may mikropono, mga actor may teatro
Medisina para doctor at konstitusyon sa mga abugado
Bola sa basketbolista at baril naman para sa sundalo
Iba’t ibang klase ng instrumento, iisang klase ng puso ang dumapo
Makinig ka sa hinaing
Maling paniniwala dapat nang tibagin
isipin mo magkalebel lang ang lakas ng ating nararamdaman para sa ating nais gawin
Sa kapintasan ko sabit ka din
Kasi di tayo magkaiba men
Kaya bago pintasan ang talento ko pare dapat itatak mo diyan sa utak mo na
Rapper ka din