Verse 1:
Binabalot na nitong dilim, hindi pa rin pipiliing pauwiin
Basta maitawid ay sasambahin
Ang sandaling kunsensya'y arkilahin
Bingi-bingihan sa mga daing
Naka-abang sa inaasam na dumating
Pagkalatag sa pilak na mumurahin
Basura na'ng gintong sana'y taglay ko rin
Ano ang bukas, di ko na aalamin
Mahalaga'y malunasan ang pagka bitin
Susuungin kahit pa sakmalin
Ang kabilang isla ay lalanguyin
Sabi nila maghanap ng tamang gawin
Bawat tama ko, ito ang s'yang salarin
Handang magpatangay san man ako liparin
Mga hangarin na hinigop ko sa hangin
Hook:
San nanaman ba ang aking ruta
Kumukubli sa madilim kong kuta
Pagkabaong tila wala nang lunas
Kaya binansagan akong anak ng..
Verse 2:
Alapaap nga ba natangay?
Ba't inaamag mga kalansay
Napagawi, daming nais umakay,
Nung pauwi ay wala nang kasabay
Pagkukulang ba ng umagapay
Nakapunto, direkta kay nanay
Huling tsansa na sakin inalay
Sinimot ko ang laman ng bahay
Sa sablay na sistema nasanay
Bulag-bulagan sa kung sinong madamay
Ngayo'y nakahanay sa listahan ng mga naka-asul na naka-antabay
Imahe ko sa kanila ay nakaratay
Agarang bitay lalo kung wala kang panlagay
Sinilang sa mundo, mainit at matiwasay
Sa pagbabalik ay malamig na bangkay
Repeat hook