Album

Distansya (feat. Pino G)


Nakasalalay Sa Letra
KJah
Producer: Tatz Maven
2023

Verse 1:
Dis oras nanaman nang gabi. Di na mabilang ilang salok ng kape
Buti pa ang araw marunong magmadali, habang ikaw wala pang balak umuwi
Kasunduan natin ay walang silbe, at paliwanag mong may halo pang hikbe 
Dyan ka magaling ang bali-baliktarin, kasalanan ko nang makipagbati?
Maski magreklamo, wala nang magbabago, ilan taon ding nagtiis, desidido na ko
Di na matutuwid, hayaan nang bulol kung pag-uusapan lamang ang iyong paghahabol
Ito na lamang ang mabibigay kong tsansa, ang maipaalam, may kamalian sa kumpyansa
Kung ang maging wagas, dapat ay di ka lumaya
Basa ko rito'y kabaliktaran at yun ang tama

Hook:
Ba't kelangang mawala pa? Bago malaman ang tunay na halaga
Di ba pwedeng magkasama?
Laging maipadama nang walang palya
Kapag lumalayo ka na
Saka hinahangad sana'y mapalapit pa..
Naka depende sa distansya, bago mo mapatunayang mahal kitaI

Verse 2:
Di talaga marunong magtanda, kaya't ang asal nanatili nang pambata
Hindi inaalam, kung ano ang sanhi at isisisi ba't dumaranas ng pighati
Di ganyan ang pakitungo mo noon, ako'y nahulog sa likha mong patibong 
Mga ngiti sa kalauna'y naging pag-iling, parang pulitikong sa una lamang magaling
Nakakaligtaan, palagi lang nandyan, kaya't kampante kang wala na 'tong hangganan
Nagkakalabuan, palinawin mo man
Kung magka-grado pa'y tiyak pasang-awa nalang
Suklian natin ng pagibig pag aktibo pa, kapag sira na'y wala nang saysay ang baterya
Wag nating hintaying tapik nalang ang paghalik, hindi lahat ng umaalis, nagbabalik

Repeat hook

Adlib:
Mahal kita, mahal kita
Bago mo mapatunayan na mahal kita
Mahal kita, mahal kita
Minamahal ka lang kapag nawala ka na
Mahal kita, mahal kita
Naka depende sa distansya kung mahal kita 
Mahal kita, mahal kita
Sana'y maipadama nang nandiyan ka pa

Repeat hook



OTHER LYRICS

PANTASYA PANAGINIP

PAUTANG NG PAG-IBIG
Hev Abi
2022 Album

Dem Dayz (feat. Flow G)

Dem Dayz
YB Neet
2022 Single

All Hallow's Eve (feat. Di$mal)

Act 1
Ez Mil
2020 Album

1z

1z
MANILA GREY
2016 Single

SIPAG LANG (feat. Shao Lin)

HYPE ONE'S
Nik Makino
2022 Album

FEATURED ARTICLES