Album

Hudyat (feat. Batas & Supreme Fist)


Nakasalalay Sa Letra
KJah
Producer: Tatz Maven
2023

Hook (2x):
Hoy! 
Itaas ang mga kamay! 
Heto na ang matagal ninyong hinihintay! 
Nababagabag, napakabagal ng pag-angat
Hayaan mong awiting 'to ang magsilbing hudyat!

Verse 1:
Inaakala mo na sayo'y papalapit
Napakalayo't di pa pala makakamit
Simot na ang pasensya lalo't ika'y said
May pagkukulang ba o sadyang pinagkakait?
Ito ang pangamba sa sarili ko noon, bagsak ko ay mamalimos kapag nagkataon
Isinugal lahat mabuhos lang ang emosyon
Bawat baryang i-alay mo ngayon sukli'y inspirasyon
Hindi 'to pinaghirapan lang nang magdamag
Kahit sa pagtulog patuloy na nagsusulat
Sa pagsampal ng pangarap ay ang syang pagbuklat
Sa librong nililimbag laman ay aking alamat

Repeat hook

Verse 2:
Hindi bale, kung sa pagtitipon ay hindi ka sinali
Kanilang pinagmamalaki pag-igihan mong ikaw ang makadale
Higitan ang kaalaman maging bihasa sa pag-atake
Hanggang sarili mo nalang may kakayahang sa iyo'y maka-mate 
Binabale madalas ng takot at s'yang naghahari
Ayan ay ilusyong hindi dapat maging dominante
Kung ang nasa paligid nagsasabing walang mangyayari
Ikaw ang mag-akay upang pananaw nila'y mag-iba ng byahe
Kumpare, istorya mo'y wag lagyan ng tuldok
Kung ang nagbabasa minsan ay di ka maarok
Proseso'y hindi madali, di libre ang sagot
Ang pagsusulit ng buhay wala hanggang tanong

Repeat hook



OTHER LYRICS

Shehyee Loves Me

FlipMusic Volume 3
Various Artists
2011 Album

Balewala

Balewala
Loonie
2015 Single

Hali Ka Nga (feat. Den Sy Ty)

The Breakout Satirist LP
Calix
2016 Album

Mabangis

Mabangis
Princess Thea
2018 Single

Burgis

Burgis
Flow G x Hev Abi
2024 Single

FEATURED ARTICLES