Album

IED


Nakasalalay Sa Letra
KJah
Producer: Tatz Maven
2023

Verse 1:
Dumidilim ang paningin, ngunit walang atraso
Mga nasa tabi ay markado, kada bulong, ang dating ay insulto
Ito ang laging asunto, tinadtad na ng delubyo, pesteng pagmamarakulyo
Tila may hanay ng anay sa ulo
Kaluluwa ay ngumangawa
Dinakip ng anyong malala
Inalipin ng kumpol na lubid
Di matuwid, kaya't pasya ay pabaya
Inakala ng nasa paligid, pagpapasensya'y di ko nakamit
Pero sino bang biktimang tatanggap na ito ay taglay na sakit?
Hindi palaging may ineksyon at iintindi sa 'king kundisyon
Kaya't sa ngayon, ang komplikasyon, handa na sa anumang komosyon
Pariwara pag nagkataon, baka parihaba suot ay barong
Pare, habang hindi pa sinumpong
Ako ay alila ng emosyon.

Hook:
Laging galit, ba't di masaya? 
Kunot ang noo, sa'king isip, anong kakaiba?
Laging galit, ba't di masaya? 
Kunot ang noo, sa'king isip, anong kakaiba?
Oras ay di basehan, anumang sandali ay maaring sumabog
Pag bumilis ang tibok, hindi na matakasan ang pambubulabog
Oras ay di basehan, anumang sandali ay maaring sumabog
Pag bumilis ang tibok, hindi na matakasan ang pambubulabog

Verse 2:
Pira-pirasong salamin, tanging bakas ng pinsala
Panghihinayang, asal na pangunahing pangit na halimbawa.
Sapagkat tuwing maibabagsak mo ang mabagsik na deklarasyon,
Tsaka susundutan mo ng pagsusumamo, malinaw na kontradiksyon
Posible pala na maging masaya, sa simpleng inis hindi magpadala.
Kaso bahagi ng ala-ala, ang mabahala, laging mag-alala
Marahil sayo'y di na pagtataka
Alam ng lahat na pansamantala,
Konting mali, mag-iba ang timpla
Maigi pang bulkan ang mapakalma.
Sikapin mo mang himayin, supilin ang mga sanhi
'pag sinimulang talakayin, sa sisihan lamang din nauuwi.
Katahimika'y pihikan, lulan ng nakaraang kay hapdi.
Lumikas at magmadali
Pagsabog ang nasa likod ng ngiti!

Repeat hook



OTHER LYRICS

Akala Ko

Moderno
M Zhayt
2018 Album

Out of Keeping

Bad Burn
FOSSILS
2017 Album

Muling Mang Harana (feat. Curse One)

Walking Distance
Smugglaz
2015 Album

infiniteclimb

Kasmeek Mirrah Vol. 1
rhxanders
2013 Album

Omoshiroi! (feat. Anji)

Act 1
Ez Mil
2020 Album

FEATURED ARTICLES