Bagong umaga lumang sistema
Dilat ang mata pero tulog ang diwa
Tila akala ko ang buhay makulay parang libro ng pambata
Papasok para umuwi
Gigising para pumikit
Sa pag asa'y hindi makasilip
Babangon para itumba ka ulit
Itumba ka ulit, palaging ipit,
Sariling kokote ay ginigipit
Nagsawang muling sumubok pagkat kahit
Kailan ay hindi pinagbigyang makatayo ulit
Totoo ba na hawak ko ang mundo tulad ng sabi nila?
Talaga bang, kayang makisabay ang nila-lang lang nila
Bat parang wala? wala talagang kahit ano sa tulad kong naiwan sa nakaraan
Ng nakadapa, di bale nalang
Kasi paulit-ulit lang
Kasi paulit-ulit lang
Ang mga bituin sa langit
Milyon milyon pero
Isa ay wala para sakin
Hindi ko alam
Di ko na alam
Hindi ko na alam
Ang hirap pag sarili mo ang hindi maintindihan
Ang hirap pag sarili mo ang iyong kalaban
Bakit hindi ko malaman kung bat ko nararanasan
Ang mga bagay na 'to ano ba ang aking kasalanan
Kasi paulit ulit lang
Paulit-ulit lang
Ayoko nang tapusin ang aking nasimulan
Ang araw hindi na muli akong sisikatan
Dahil kahit saan dalhin ang sarili
Kahit tahimik 'lang kapayapaan
Tila madaming katanungan ang nais masagot
Ngunit ayaw na malaman dahil sa takot
Sa kung ano ang hatid ng liwanag
Kaya eto bulag ayoko ng gamot
Sa liwanag ayaw nang umasa
Pagkat lahat ng sana ay nasayang
Tila di kinayang makipagsabayan
Pagka't ako'y di hamak na wala lang
Sarili hinayaan na lang
Matutunan yakapin ang dilim
Buong araw kahagkan
Buong gabi lungkot lang ang kapiling
Tanging bilin ni ina, matulog nang maaga
Kasi baka kunin ka nila
Teka sino ba sila? Ano bang gusto nila?
Di ko sila kilala (di ko sila kilala)
Teka oo nga pala
Kagabi kausap ko pa sila
Magdamag nakabulong, 'la kong pahinga
Mga maling nagawa'y pinaalala pa nila
Ayoko na, umiikot ang mundo pero heto ako nakahiga nalang
Tanggap ko na mukhang hanggang dito nalang
Kasi paulit-ulit lang
Kasi paulit-ulit lang
Ang mga bituin sa langit
Milyon milyon pero
Isa ay wala para sakin
Hindi ko na alam
Di ko na alam
Hindi ko na alam
Kasi paulit-ulit lang
Paulit-ulit lang