Verse 1:
Nandyan lang sila, kabi-kabila
Mga kaakbay mo sa kanan at kaliwa
Kaanak, kaibigang pinagkakatiwalaan
Kalimita’y mga hindi mo paghihinalaang
Gagawan ka ng anumang mali (Mali)
Hanggang sa saktong sandali (Dali)
Ng paghapdi ng sariwang sugat sa’yong likuran
Saksakan ng tanga na lang ang maituturan
Sa sarili, sapagka’t nawili
Sa panlilinlang nilang mga makasarili
Matutong kumilala, bago mamihasa
Ang mga tiwaling namumuhunan sa tiwala
Chorus:
(Taksil) Nandyan lang sila, kabi-kabila
(Taksil) Nandyan lang sila, nagkakaila
(Taksil) Nandyan lang sila, saksak ka bigla
Hindi lahat ng kapatid ay kakampi
(Taksil) Nandyan lang sila, kabi-kabila
(Taksil) Nandyan lang sila, nagkakaila
(Taksil) Nandyan lang sila, saksak ka bigla
Hindi lahat ng kapatid ay kakampi
Verse 2:
Yung iba simula’t sapul handa nang manakit
Pakikisama sa’yo’y baitang lang sa pagkakamit
Ng ganansyang para lamang sa kanilang kapakanan
Kaya sa tamang tyempo, tatapakan ka na lang
Yung iba naman ay matagal mo nang kasa-kasama
Akala mo ang katapatan ay nakapanata
Yun pala sa tamang pakinabang at pagkakataon
Pinagsamahan nyo ay kayang-kayang ibaon
Sa limot | Ika’y mapapaikot
Agad-agad tarak ng panaksak sa pagtalikod
Matutong kumilala, bago mamihasa
Ang mga tiwaling namumuhunan sa tiwala
Repeat chorus
Verse 3:
Ito’y babala lang namang marapat na pakatandaan
Pagsasamahan ay magaan kumpara sa bigat ng budhing kawatan
Kaya’t hwag mangmang, magmanman, matutong kumilala
Walang masamang magduda lalo’t may punto ang hinala
Kaya kahit na ating hangad ay pagkakaisa
Laging dapat mapagbantay sa pagkakaiba
Aral ng kasaysayan, bunga ay peligro
Ng pagpapabaya sa mga Hudas at Emilio
Mag-imbestiga, mangahas magtakwil
Bago pa maunahan ng mga taksil
Hwag mabulag sa tiwala at pagtanggi
Hindi lahat ng kapatid ay kakampi