Intro:
"Boy ano, basketball!"
"Neknek mo, gabi na"
"Bakit, duwag ka?"
Verse 1 (WAIIAN):
Sarap ng tulog ko so peaceful
May sumipa sa pinto may dalang mga pistol
Cops wanna pop us like we're pimples
But we're people, repeat the ritual
Kahit handang sumuko, pinutok agad
Pagkatutok yun ang utos ng pinuno
Mga naka all black pati mask
Pasensiya na kung naka-olaps nanghoholdap talaga
Naglalakad na nagso-social media na tanga
Pagkalike ng pic, tinutukan ko ng ice pick
Napaihi sa mata, amin na relo mong init sa mata
Sabe niya kuya kakabili ko lang kanina
I don't give a fuck akin na
Pamilya ko walang kakainin
Kanin na inuulam sa asin
Bigay mo na bago kita sapakin
Pagkapera ‘lam ko na agad ang gagawin
Doon sa ‘di mahangin
Mata lakas titig na
Okay, magti-trip kakaiba kalas buo ng mga makina
Yung pader ng kapitbahay laging humaharang sa akin ah
Tulog na rin sila pwede tong wasakin ah
Syempre pagkapasok gamit niyo ay akin na
Watchlist at hitlist, nasa isang pahina
Nakahiga at basa na sa pula huli kong panaginip yun pala
1x1 ko lang naiwan sa ina
1x1 lang naiwan ko tangina
Verse 2 (Sica):
Hoy, boy, alam mo ba usap usapan samin
Wag pakalat-kalat baka damputin ka sa ilalim
Mahirap na pag napuwing ka
Wag ka kakaba-kaba baka ma-uling ka
Kala mo lotto kung mamili ng panalo
Tumbang preso ang laro, ika'y pamato
Sabi ko sayo wag ka pakalat kalat jan kase pag sinumpong ang kupal baka mapaglaruan
Kapit sa patalim, galaw pailalim
Umaasang maitawid ang gutom ko, gabi-gabi
Kayod-kalabaw, di baleng ako'y uhaw
Sardinas laman ng plato kahit dami ng ampao
Ang naipon, madumi palad
Pero malinis pag likom
Baka nagkamali ka lang, nako hindi po
Ako yon, biglang nagtikom
Ang labi, nagising katabi ko ginawang hipon
Bakit sa dami-dami, tanong ko lagi bakit
Mag-ingat sa pag duro, ang nuno dilat palagi
Pulupukutan ng hudas, mga sabik umarit
Ako yung pawis pero parang sila yung naka gamit
Narinig ko yung sirena, nako anjan na sila
Nakasuot na ng asul pero may mantsa ng pula
Kung ‘di mo pa ‘ko kilala, alyas Silva nga pala
Tinapon lang sa Pasay, pero sa impyerno dinala
Verse 3 (Ononymous):
Tang inang pulis, ano ang aking kasalanan?
Wag niyo nga 'kong bino-boy, meron akong pangalan!
Bakit yung iba napakilala ng husto?
Hindi man lang ginalang ang aking pagiging tao
Alyas "Mata" nga ika daw ng inyo ngang tawagin
Dahil nakatungo at masama tumingin
Edad kwarentay-singko tulad ng iyong baril
Kaya pinutok kasi di agad nagpasiil
Ano ba ang hawak niyong pruweba laban sa akin?
Kung aking boses sa inyo'y pag sisinungaling
‘Di naman manlalaban wala 'kong patalim
Bakit ba ang hilig niyo mantrip diyan sa madilim
Ni-magnakaw nga di ko kayang sikmurain
Sa tingin niyo ba na kaya ko iyon gawin?
Namalik-mata, hindi mo na akalain
Kasalanan nga pala mapagkamalang adik
Hindi ba tulak-tulak ang inyong tinitimbog
Porket sa lansangan lang lumaki at nahubog
Bakit pinapatay? Pwede naman na ikulong
Ang salot sa bayan, nasan nga ba'ng katarungan?
Sa ngayon ang hustisya ay nabibili
Aking buhay sa inyo ko pa lilimusin
Alipustahin, papaslangin niyo lang ang taong bayan
Hindi ba kayo binabayaran?
Verse 4 (BLKD):
Boom! Shock attack! Tatlong Boy na batak
Na raw ang natutumba ng mga kupal na parak
Sa may amin ’sang linggo, baka raw pagkalito
Ani Kap (What?) mukhang nakatumbok sa akin ‘to
Animo, eenie meenie miney mo ang bira
Mga may alyas na iisa, inisa-isa
Basta ba’t matuluyan tunay na nakalista
Damay-damay na, kahit pa, walang matira? (Ha?)
Tira-tirang pagkain, sira-sirang tirahan
May takot pang tirahin ng mga siga-sigaan
Gawa-gawang hidwaan dagdag sa mga pasakit
Tulak ng kahirapan kaya napapagamit
Bakit? Trabahong atang sa‘min kakayanin ba
Ng puyat gutom na katawang-lupang mainda?
Hindi naman sa pagpapalusot
Kabuhayan nga patayan na, patayan pa sagot?
Kamalian ba’y maitatama ng kamalian?
Mga mamamatay-adik adik sa kapangyarihan
Bullets sa listahan, cash sa sobre
Timbangan ng batas nawawala na sa korte
Wala nang posas-posas, dapat na bang matodas
Namamasada lang naman ng bente-kwatro oras
Sobra na sila! Kailangan nang mag-alsa...
Balutan nang mag-anak malayo sa pangamba