Album

Jeane


Ang Gantimpalang Idinaan Sa Wika
KJah
Producer: UMPH
2015

Verse 1:

Ikaw ang pipiliin kong batayan nitong pag-ibig

Ay sa karangyaan magtampisaw at sumisid

Biruin mo pa iba-iba ang iyong bihis

Mahal na nga ang tubig lalo mo pa akong pinag iinit

Ni walang kapintasan hangang sa anit

Alaga ka ng ispesyalistang ano mang pangit

Biglang gumaganda halaga palang ng gamit

Na binayaran mong doble ang anyo mong gusto di na mapag kakait

Ka kung tiyak akong  para gllamorosa ang ganda

Ay nagiging pinaka may ilang nag tataka

Kasi gasta ka nang gasta wala ka namang trabaho

Nanay lang ang nagpapadala kolehiyala sa Amerika

Balik pa rito sa pinas nakaraang nandito ka sayang aking pinalagpas

Balita ko ay may popondohan ka isang palabas

Pagkakataon ko nang ayain kang lumabas

Ako'y makakalapit ba naku mukang hindi

Daming nakapalibot sa iyo hindi ngumingiti

Kasama mo iyong magulang proteksyon sakanila'y parang malalim

Gusto kitang lapitan tanungin ng ______ san ba galing

 

Chorus:

Pwede, pwede, pwede, pwede bang pasilip

Pasilip

Pwede, pwede, pwede, pwede bang pasilip

Pasilip

Pwede, pwede, pwede, pwede bang pasilip

Pasilip

Bilisan mo naman

Kanina pa ako naiinip

 

Verse 2:

Haaaay para akong nakatalampunay

Di makapaniwalang tatanggapin mo ako sa buhay at

Haaaay umaga na akala ko panaginip lang

Katabi parin kita sa kamang mukang mayaman

Lang ang pwedeng humiga nung una tayong magkita

Tanong mo'y matematika propesyon ko yan

Eksakto tsumempo ka agad kang nagalak

Hinalikan mo ko bigla paliwanag mo hindi maskulado

Ang iyong kailangan kung di yung marunong mag bilang

At mapag kakatiwalaan

Inimpake ang damit  nilipat sa inyong tahanan

Ako'y natulala palasyo sa kabayanan

Maghapon tayong naglalampungan

Tanging pahinga pag may mag hahakot nang pera sating paliguan

Simpleng-simple ang trabaho ko

Mag kwenta nang walang resibo

Sa tuwing may dadalaw na bigatin

_____ tipong hindi ko alam buong istorya

Basta't inaakit niya ako sa kwarto

Pag nagising na, isang araw nasa dyaryo

Ang  iyong ama't ina

Misteryong lihim niyo gustong malaman ng buong bansa

 

Repeat chorus

 

(SCRATCH)

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Crazymix/Bassilyo vs Loonie/Abra

FlipTop presents: Dos Por Dos Zoning
Various Emcees
2012 Rap Battle Verses

Ilibing ng Buhay

Wanted
Death Threat
1995 Album

Salarin (feat. Bamboo Manalac)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Correctly Done (feat. Thurz)

…paper cuts…
Bambu
2010 Album

Maleta (feat. Julie Anne San Jose)

TULAy EP
Gloc-9
2019 Album

FEATURED ARTICLES