Intro (2x):
Muni-muni, muni-muni
Muni-muni, muni-muni
Muni-muni, muni-muni
Muni-muni, muni-muni
Verse 1:
Oy pare may laro raw sa kanto
Sakto binyagan natin sapatos mong bago
Pero kahit luma di ako mag papataob
Sa isip ko pasok lagi ang sabi nila Baldog
Aking tira napraning ako nang aking masipa
Galawan ng mga idolo gusto kong magaya
Pinipilit italbog nang mabilis sa may hita
Ngunit angking galing ako lang ata nakakakita
Hanggang sa tinapat ako wag kang mag ilusyon
Yong kilos mo parang patpating kinu-kumbolsyon
Kada ibabato mo pag pumuntos ay himala
Kalaban ay natutuwa hinamig na mga pusta haha
Ano kaya ang kulang puspusan na insayo
Kala ko ang kakayahan ko ay di na ordinaryo
Dinalian napa upo ako'y napa iling
Siguro nga pangarap na ito'y di para sakin
Chorus:
Kanina pa kita hinihintay sinong nagsabing bawal mag lakbay
Ano ka ba naman
Halika na samahan mo ko mag muni-muni
Puyat o bagong gising tayo ay mag muni-muni
Di mo man matagpuan agad ay wag na wag kang tumigil
Sa pag lipad (sige humayo ka)
Halika na samahan mo ako mag muni-muni
Sa sala o kusina tayo ay mag muni-muni
Verse 2:
May bagong naauuso sikat sa kabataan
Ultimo tatay nang aking kaklase ay nahawaan
Aking sinubukan dinala ako sa ibang dimensyon
Sa pagitan ng teknolohiya tao sumiklab ang relasyon
May aalagaan kang karakter kailangan mong tugisin ang mga pumapapel
Ano man ang iyong itsura dito bigla kang aangas
Mula noon ay pinagarap ko nang maging pinaka malakas
Ayoko mag sayang ng oras hadlang ang paaralan
Sayang ang minutong dapat nakikipag bakbakan
At ang bente pesos ko ay hindi sulit
Kaya pinag aralan ko na rin pano mangupit
Pasensya ina kung lagi nag aalala
Minsan isang linggong gising daig ang naka droga
Nakabisado ko ang laro sa bawat sikot
Hanggang sa napansin kong ako lamang ang paikot-ikot
Chorus:
Kanina pa kita hinihintay sinong nagsabing bawal mag lakbay
Ano ka ba naman
Halika na samahan mo ko mag muni-muni
Umaga, tanghali, hanggang gabi mag muni-muni
Di mo man matagpuan agad ay wag na wag kang tumigil
Sa pag lipad (sige humayo ka)
Halika na samahan mo ako mag muni-muni
Kalimutan ang problema tayo ay mag muni-muni
Verse 3:
Napagtanto ko ang dami kong pag kukulang
At dahil yon sa kagustuhan ko nasobrahan
Ang aking papel bilang pang karaniwang tao
Binitawan ang dala tama na kahibangang ito
Ako'y napadaan sa isang nagkukumpulan
Kakaibang tunog ulo nila’y nag-aalugan
Pag pasa nang mikropono bumanat nang tugma
Nanlaki ang aking tenga bituin saking mata
Nang sinaliksik ko kung sino ang mga nag pasimula
Pagkatapos hindi nako tumigil mag paka bihasa
Sa wakas naranasan ko rin maging matangkad
Kasi sa bawat dulo ng linya ko para akong dumakdak
Tulin ko sa pag pindot ay sinalin sa pag susulat
Hanggang may nakapag sabi isa ka sa hinahangad
Na mag bigay inspirsayon hanapin ang tadhana
Di ako makapaniwala sinagip mo ako musika
Chorus:
Kanina pa kita hinihintay sinong nagsabing bawal mag lakbay
Ano ka ba naman
Halika na samahan mo ako mag muni-muni
Binibini hawak kamay tayong mag muni-muni
Di mo man matagpuan agad ay wag na wag kang tumigil
Sa pag lipad (sige humayo ka)
Halika na samahan mo ako mag muni-muni
Totohanin natin ang laman ng ating muni-muni