Pariwara sa eskinita napadpad sa kalye mula sa kalye mula simula
Binansagan nila akong salbahe
Isang kahihiyan salot sa aming lahi
Kunyari hindi ko alam mga nangyari
Dulot nang mga magagandang salita ay kumpiyansa
Ako pangit ang hinakot yan ang naghatid ng tsansa
Di umasa sa suporta habang mga kababata
Sa kunsinti ng magulang dumipende
Tuloy ang lakad ko kahit napakadaming kontra
Dinagdagan reseta ng gamot upang gumaling nang sobra
Napa hanga ko kayo mga bumatikos
Nandun sila na ang sahod ko ay naubos
Darating ang panahon ang buhay ko’y magtatapos
Mahalaga'y nakalagan ko aking pagkatapos
Binitbit ang kadena at bakit di ihambalos
Sa taong nagsabi wala akong silbi dahil hindi ako nakapag tapos
Sino ka makikita mo kong ngumingiti
Ordinaryong bata anong alam ko sa pag iisip
Na malalim mga nag udyok sakin gamitin bagsik ng mga kataga
Sila yong ayoko kong batiin pero eto na
Ang aking inaantay makilala ang kakampi
isa na ang aking inay kaya ama sana wag ka agad mamatay
Nang malaman mo ang aking kapilyuhan
Ay parte ng aking paglalakbay