Verse 1 (Kial):
Matalim na matulis pag lagim taga tugis
Laging madudungis mag laro
Ano kaya kung balikan natin ang mga dating hakbang
Laman palang ng panalangin di mo alam kung pabalang ng tagpo
Abo ang kulay mahusay lang talaga di ka malulumbayan
Ng tunay na buhay sa sariling mundo
Ilan lang ang kasundo sa dami nang hinahatid
Ano ang magdurugtong sa pisi na mapapatid
Watak ang bisig sa pagsuko sa pag kapit
Kung pag subok lang bakit seryoso ang sumasapit
Asar talo ka lagi brad nagbibiro lang ang langit
Enjoy ka lang sabay ngiti wag sumimangot ang pangit
Kalma ka lang wag kang lalampas sa damuhan
Mapanganib banda don lalo na pag tag ulan
Gusto kong ipagtapat ang aking nararamdaman
Mahal ko ang salita madalas kong mapaglaruan
Chorus:
Itinatak sa isip, umiwas sa mga bwiset
Kumayod nang maigi di mapapagod
Kasi hindi makukuntento
Hindi makukuntento, hindi makukuntento, hindi makukuntento,
Nang aking bigyan sa bawat salita na naka sindi kaya napaka tindi
Walang makita
Verse 2 (Pino G):
Whoo...
Alam mo na agad
Ganyang tono palang ng boses alam mo na agad
Laman ng utak walang hanggan
Kaya laging may paraan kasi gusto kaya kahit mahirap gumagaan
Buo ang loob na humarap sa mga puta, mga buhaya
Maamo ang ganap ngunit baliktad na baliktad
Alam na agad
Kaya kami dito diretso mga plano konkreto
Kasi laging gusto perpekto kaya nga kami eksperto
sa aming mga gawa kasi ayaw namin mapurol nalang abutan mga salita
Walang paasa walang Ninoy umasa
Kahit papano na lumabas ang tunay sa Mamasapano
Katarungan sa lahat ng lespung nag buwis ng buhay
Lahat ng utak sa plano mo mamatay
Na sana at ibaon sa hukay
Repeat chorus
Verse 3 (KJah):
Bangis ng isang bata sa sobrang intilihente
Di sila makapaniwala
Anong tingin niyo sa akin di ako nag paka bihasa
Sa mga kutsa ninyo ako nagpakasasa
Hindi ako biniyayaan ng talento
Bagkus puro problema ginawa kong imperyo
Ganyan talaga lahat di mo makakain
Pero gagawa ka ng paraan kapag nabitin
Hoy anong sinabi mong walang pag asa kasi makulit
Kung mapayapa ang utak ay limitado ang lupit
Umiskapo nako noon nag padakip lang ako ulit
Para pangaralan mga presong di ginagamit ang isip
Takbo takasan ang mga kitid niyong selda
Isa ako sa katibayang may kalayaan pa
Hanggang sa makamit mo ang respeto di ka man magpakilala
Sila mismo ang mag babanggit
Ako nga pala si KJah.....
Repeat chorus