Verse 1 (Bagsik):
Naranasan mo na bang dumating ang panahong wala ka nang kasama
Walang man lang kahit kakaonting pag-asa walang makakilala
Pati sayong sarili wala ka na ngang tiwala
Pero wag ka na mabahala
Tanggalin ang pangamba wag umamba
Suntukin ang pagkakataon mo at tadhana
Sa pagkakamali mo malalaman kung pano ang makatama
Oh diba nakakatawa o nakakatanga
Bakit ka bibitaw habang may buhay may pag0asa ka pa
Kaya mo ba? oo kaya mo pa
Mahirap magisa sige sasamahan kita
Andito ang mga gawa kong kanta
Sayong paglalakbay gabay mo sila
Pangmulat mata kahit nakakakaba
Konting hinga kahit madapa lumaban bumangon ang mahalaga
Verse 2 (EJ Power):
Kaibigan, ikaw ba ay nahihirapan
Sa pangarap at mithiing pilit mong pinaglalaban
Wag mangamba kung di dumarating ang bwenas
Dahil para swertehin kailangan munang magpamalas
Kaya kapatid makinig ka nang maigi
Wag mong limitahan ang iyong sarili
Sa buong mundo nais mo bang makilala
Dapat sa sarili mo wag mawalan ng tiwala
Kung nais umangat dapat may takot ka sa diyos
Isigaw lang ang gusto kahit mapagod mapaos
Tuloy lang sa pagyapos kahit mapaso't malapnos
Ituring mong sagisag bawat kalyo at paltos
Umusad ka lang mapunta man kahit saang lumalop
Hindi tutunog pangalan kung hindi mambubulabog
Ito'y di alintama basta ginagawa mo'y tama
Tuloy lang sa pag arya lampasan mo ang tugatog, tara
Verse 3 (Bagsik):
Kung hindi naniniwala ay dadalhin kita
Sa walang katapusang walang hanggang imahinasyon
Mula sa ating kaisipan kakaibang litratong masarap balikan
At tignan mo ang mga alaalang nalampasan at bumago
Sumukat, sumubok bumuo ng pagkatao
Kalaban mo sarili mo at syempre kakampi
Wag mong kakalimutang palagi kang may katabi
Tuwing ikaw ay lumuluha siya ang pumupunas
Problemang mabibigat siya ang laging bumubuhat
Kahit na kadalasan ay hindi mo kinakausap
Lagi siyang andyan para maghilom ng mga sugat
Kaya wag kang matatakot lahat kaya mong labanan
Pero dapat tandaan alam mong pasalamatan
Kung kanino galing ang buhay mong hiram
Hindi kailangan na magbayad tama lang na suklian