Album

Malagim


Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
Producer: Apo Lerma
2021

Verse 1:

Ako'y nakatira sa may Balete, hindi nagsisindi ng ilaw

At yung aking banga sa hardin meron nagtatago na halimaw

Sa ganitong stilong brutalan, ako pa rin ang binabansagang kampyon 

Yung kinakatakutan nyong Tiyanak dati, trenta'y dos anyos na ngayon 

Rerekta sa balon, ang mga gagong hindi marunong magbigay pugay

Ako'y magsisilbing galit na kapre sa iyong puno ng buhay 

Sino nga ba ang pinakamahusay? Yung imaheng nakikita ko sa salamin

Nung isinilang sa Capiz tinubuan agad ng pangil na matalim

At sa aking pagdating lahat ng mga mahinang uri ay mag-aalisan

Napakalawak ng pag-iisip umaabot sa siyudad ng Biringan

Madami na akong na-ambag, kung kultura lamang ang paguusapan

Doble kayod ako lagi sa larangan, makata at mambabarang

Mga linya kong binibitawan ay sumpa sa buong sangkatauhan

Ginagamit ito na basehan ng mga ekspertong mangkukulam

Pag-sapit ng alas dose ng gabi, tama lang na ikaw ay mapraning

Isa tong kakaibang nilalang sinasalag ko ang mga anting anting

 

Chorus (2x):

Sobrang dami nang mga nagpapasikat, masyado nang nakakasilaw

Kaya muli akong nagbabalik! itong mundo nyo ay magugunaw

Walang ligtas ang mga supot at bulaan! lalasapin nyo ang patalaim

Plazma nga pala pero mas kilala sa eksena bilang malagim

 

Verse 2:

Mga albularyo nilalampaso ng aking mga rimang binuo

Pag-dating naman sa kama ako'y nagpapakain kay Maria Labo 

Sa tuwing nag-susulat, may wakwak na nagbabantay sa bintana

Malakas ang dating ginagawa kong manananggal ang mga diwata

Sa panahon ngayon, mga bumibira ay puro malalamya na

Kayo ang nagmumulat sa madla? pwes ako ang magiging bakunawa 

Para to sa mga di maka unawa, simulan mo nyo na mag-dasal 

Mas sasaya ako pag kayo'y naging bangkay na para bang bal-bal

Nakipag banggaan sa kapwa impakto at lahat sila ay nagdusa

Binunot ko ang ngipin ng balawis at ginamit ko na pluma

Kaya kung tingin mo na ang ganitong klaseng bagsakan ay makaluma 

Ako'y magpapaka enkanto bibigyan kita ng sakit na walang lunas

Sanay na sa mga hudas at kailanma'y hindi naging apektado

Daig ko pa si Zuma sa dami ng mga ahas na napa amo

Asido ang dura ko, sapul ang mga nagpapaka intelihente

Mapanganib pa rin kahit maliitin na parang itim na dwende

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Yung libu-libong bulag na taga suporta, sa inyo na yan 

Sapat na sakin ang pinapalakpakan ng angkan ng mga aswang 

Isa ka ba sa mga mang-mang? pwes karahasan ang iyong sasapitin 

Huwag kang hahawak ng mikrpono, yan ang panibagong pamahiin

Mga gutom sa atensyon, nag madadaling makilala at kumita

Madalas din akong gutom kaya nasanay na sa numbalikdiwa

Imbis na tumutok sa pagbuo ng obra, nagpapa bida nalang kayo

Wala na akong paki sa imahe kasi papalit-palit ako ng anyo

Masamang maligno to, sige tangina pilitin mo pa na sumabay 

Puno ng mga lamang loob ang aking landas patungong tagumpay

Merong ka ngang mga bara, pero kumpara sakin, madudurog ka 

Ikaw ay magiging abo dahil santelmo ang aking binubuga

Orihinal ang mga kataga, hanggang ngayon ay hindi maduplika

Pag tapos ng kanta, sasangayon kayo na "demonyo ang lumikha" 

Bigay todo pag tumula kaya kung babansagan mo pa ring jeje

Sasaksakin kita ng anim na raan at animnapu't anim na beses

 

Repeat chorus 



OTHER LYRICS

Higher Learning

Higher Learning
Space Impakto
2016 Single

One Way

One Way
ALLMO$T
2019 Single

Atik Laham (feat. Wency Cornejo)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Umaga

Umaga
Rambling Man
2015 Single

You Girl

Nothing, Really Mixtape
Ice Rocks
2012 Album

FEATURED ARTICLES