Album

Mahinang Nilalang


Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
Producer: KMG
2021

Verse 1:

Sa pag-atake ng mga balwarte doon talaga ako magaling

Aking pagkatao madilim kahit anino ko napa-praning

Walang ni-isang kantang malamya, lehitimong berdugo to

Sino ang aking impluwensya? Yung mga boses sa ulo ko

Ang daming nanghihila pababa, magkita tayo sa impyerno

Handa na libingan niyo ako'y masipag na sepulturero

At sa mga idolo niyo, mababa pa rin ang aking pagtingin

Sila ay titingilain ko lang pagkatapos kong bigtiin 

Huwag ka nang umasang makarinig ng mga hugot na bara

Binaril ko bigla si Cupido nung naglabas siya ng pana

Oo, walang kabuhay-buhay mga sinusulat kong talata

Dahil marami ang namamatay, kwaderno ko'y maling akala  

Patalikod ka ba manira? Pwes ilalabas ko ang katana 

Sabay hiwa sa mukha para maging permanenteng doble kara

Stilo ko masyadong mahiwaga, kaya itinuring na banta

Mga bersikulo ko ay nagmumulat ng ikatlong mata 

Lahat ay itutumba, bawat kritisismo'y imbalido

Yang sinasabayan niyong agos ay biglang magiging asido

Ganyan ang mararanasan mo pag ako ay kinalaban mo

Patong-patong na mga bungo ang nagsisilbing entablado ko

Kahit ako ay pumanaw na, aktibo pa rin sa larangan

Sapagkat maghahanap lang ako ng panibagong sasapian 

At kung ikaw ay nabwisit sa mga linya kong binatawan

Gagamit ako ng palakol upang buksan ang iyong isipan

 

Chorus: 

Ayaw mo sa ganito? Yung mga bara na pumapaslang?

Ayaw mo sa mga berso na brutal ang nilalaman?

Ayaw mo sa lirikalan? Kaya ka ba nabubuang?

Isa lang ang ibig sabihin nyan, isa kang mahinang nilalang

Mas gusto mo ba yung mga awiting pumapatok sa masa?

Mas gusto mo ba yung mga gasgas at malalambot na tema?

Mas gusto mo ba pakinggan yung mga madali lang sabayan? 

Isa lang ang ibig sabihin nyan, isa kang mahinang nilalang

 

Verse 2:

Subukan mong tapatan ang aking husay sa pamiminsala

Mapapa kapit ka sa patalim gamit ang iyong bunganga

Puro bano na ang mga nasa tuktok, lagot kayo sakin

Para akong mina... magpapasabog mula sa ilalim

Lumaki nung dekada nobenta, sinisigawan ng piawsi

Ang mga peke sa industriya bago sila iwaksi 

Mala Pooch ang aking galawan sa bawat duelong pinasok

Dahil pag ako ay lumilitaw may mga umaalulong na aso

Matira matibay ba kamo? Yan ang paboritong kong laro

Magunaw man ang planeta mananatili pa ring nakatayo

Bakit daw ako nagtagalog ulit? Hindi lang dahil mas brutal 

Kundi para mas lalong mabwisit ang lahat ng mga sosyal

Kung sa sariling wika ay talagang wala kayong bilib 

Hihilahin ko dila niyo mula sa laslas sa inyong leeg 

Sino ba kasi nagbigay ng mikropono sa mga bobong to?

Dumadami nga kayo pero pare-pareho naman ang tono niyo

Ang maagaw ang trono ko ay ilusyon lamang mga gago

Yan ay suntok sa buwan pagkatapos maputulan ng braso

Mersernaryo ng koponan ng kamao, kayo'y sumaludo

Balisong ko ay parang payo ito'y inyong isasapuso

Ibabalik ko kayo sa panahon ng purong lirisismo

Mga papogi at pabida sa eksena ay mabibisto 

At ano daw ang matututunan ng kabataan sa mga rima ko?

Magistigil nga kayo, hindi ako ang magulang niyo!

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Southbound

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

Pano

Pano
Ace Cirera
2019 Single

Isang Awit

Isang Awit
Blain
2017 Single

Say My Name

Say My Name
Kate
2023 Single

Paborito (feat. Reese Lansangan)

Life Of A Champion
Quest
2016 Album

FEATURED ARTICLES