Verse 1:
Pitong taong gulang binansagan agad na delikado
Habang naglalaro sila sa labas ako'y nakakulong sa kwarto
Nanonood ng mga madugong pelikula na may ngiti sa mukha
O nakikipagusap sa taong hindi nakikita ng iba
Kapag pumapasok sa skwela dumidilim ang mga paningin
Tingin ko sa bawat kaklase kaaway na dapat pabagsakin
Kaya biglaan nalang akong nananapak o nananadyak
Hindi tumitigil hanggang ang bunganga nila'y wasak-wasak
At imbis alagaan ang mga nakikitang hayop sa lansangan
Ako'y naglalabas ng pluma at sila'y binubutasan
Kaya naisip akong dalhin sa tahimik na opisina
Kaharap ko'y matandang lalake na may suot na antipara
Ang daming tinanong, pero hindi ko sinagot nang direkta
Ang daming pinakitang litrato pero ito'y aking dineadma
Pagkalipas ng isang oras, siya'y lumabas ng pinto
Tapos sinabi kay inay "may problema po ang anak ninyo"
Verse 2:
Nung ako'y naging binata mas lumala pa ang sitwasyon
Sumali sa kunyari kapatiran para mas maraming aksyon
Dinaig ko pa ang boksingero sa dami ng nakasuntukan
Imbis na tumutok sa pag-aaral, nag-sipag sa rambulan
Pero agad ding pumanaw ang grupo na aking pinasukan
Mga itinuring kong kakampi ay nagsi-lipat sa kalaban
Yan ang rason kung bakit lumaki lalo ang galit sa katawan
Kung meron lang akong baril siguradong marami nang tinablan
Tapos bigla akong nakarinig ng mga tumutugmang salita
Kasabay ang bumabayong tunog ako'y tulu-yang namangha
Nangolekta ng mga obra hanggang sa tinanong ko sarili ko
Bakit di ko subukan to? Ang bumuo ng mga liriko
Binuhos ko sa kwaderno ang mga poot na nadarama
Hindi ko lubos akalain na dito pala ako kakalma
Nakagawa ng ilang kanta, napabilang sa solidong kampo
Ginanahan pa lalo nung tumapak sa entablado
Verse 3:
Sa wakas, nakapag labas rin ng sariling proyekto
Hindi man bumenta masyado, nakuha ko naman ang respeto
Ng mga kapwa sundalo sa eksena mga tunay na makata
Naisip kong sumali sa liga para lalong maipakita
Ang aking kakayahan sa pag-akda ng mga solido na rima
At para maikalat din ang mga nilikha ko na musika
Parang naabot ko na ang tuktok, kaso hindi pa pala
Dahil biglang nag-sulputan ang libu li-bong talangka
Itigl ko na daw to, hindi daw ako makasabay sa metro
Ang kakapal ng mukha eh hindi naman kayo musikero
Sabi ng mga siga sigaan, peke daw aking pagkatao
Wala kayong alam sakin huwag kayong umastang husgado
Meron ding mga pinagtatawanan lang ang aking mga kataga
Palibhasa buong buhay nila parati silang masaya
Ako'y binantaan ng kamatayan kahit walang tinatapakan
Ganunpaman, hindi ko naisip na tumigil sa tugmaan
Ilalabas ko nalang ang halimaw na matagal ko nang tinago
Papaslangin nang walang awa ang lahat ng tumarantado
At dahil tuloy pa rin ang inyong pagbatikos kada minuto
Humanda sa malakas na pag-ulan at mapanganib na delubyo