Mas kilalanin natin ang isa sa pinaka malupit na producer ngayon, walang iba kundi si Mark Beats. Ito ang bagong kabanata ng Behind The Sound!
Malaki ang tsansa na narinig mo na ang mga kantang ‘to: “Kontrabida”, “Kalmado”, “Lokal”, at “Ultimatum”. Maliban sa lirisismo, tumatak din ang mga awiting ‘to dahil sa kanilang malulupit na tunog. Sino nga ba ang nag-likha ng mga instrumental nito? Makilala niyo siya nang lubos ngayon.
Ito nga pala ang “Behind The Sound”, kung saan ay bibigyan naming ng spotlight ang mga producer sa larangan ng Pinoy Hiphop. Para sa unang kabanata, nakausap namin ang CEO ng Rawstarr Records na si Mark Beats. Alamin natin ang kanyang kwento.
1. Kailan at paano ka natutong gumawa ng beats? Eto na ba gusto mong gawin simula nung namulat ka sa Hiphop?
I think wayback 2012 yata yun nung nag-umpisa akong gumawa ng beats tapos self-thought lang talaga nung una kaya ako natuto. Nung una pag-ddj talaga naging hilig ko nung na-inlab ako sa Hip-Hop pero na-realize ko na gusto kong i-step up yung game ko so naisip kong mag-produce na din ng beats.
2. Anong kanta (local o foreign) ang nagsilbing inspirasyon sayo bilang producer? (pwede magbigay ng higit isa)
Actually sobrang dami pero ilan sa mga kantang nagsilbing inspirasyon ko bilang producer ay yung mga kantang produced nila Ryan Leslie, Scott Storch, Dr. Dre, Pharrell etc.
(Litrato mula kay Frank Galang)
3. Sinong producer naman (local o foreign) ang nag-impluwensya sayo? (pwede rin magbigay ng higit isa)
Ryan Leslie.
4. Ano ang ginagamit mo sa pag-gawa ng beats? (MPC, Fruity Loops, Reason, atbp.)
FL Gang! (Fruity Loops, since day one)
5. Ano ang proseso mo sa pag-produce? Ikaw ba yung gumagawa kahit wala pang artist na sasalang o may naiisip ka na agad na babagay sa instrumental?
Depende sa sitwasyon o vibe pero madalas nag-uumpisa ako sa pag gawa ng chords o melody na trip ng artist o trip ko then it will all follow.
6. Meron ka bang preference (boom bap o trap) sa tunog o depende talaga sa mood?
Wala. Depende talaga sa mood.
(Litrato mula kay K. Milano)
7. Sa mga hindi pa nakakakilala sayo, maaari mo bang ibahagi dito ang ilan sa mga nakaraang proyekto mo?
Pwede nyong icheck mga kantang produced ko sa YouTube. Type nyo lang "Mark Beats" maglalabasan na sila. heheh!
8. Makasaysayan yung nagawa mo sa kantang "Lokal"! Paano mo napag sama-sama yung ganun kadaming emcee?
Di ko din alam. heheh! Basta nag-pm lang ako sa mga artists tapos inipon ko lang kung sino sino lang ang pwede tapos yun na. Btw, shout-out pala sa girlfriend ko na si Tiff kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko maisasama sila Mike Kosa at Ron Henley sa LOKAL track.
9. Ikaw ang CEO ng Rawstarr Records, kailan ito nabuo at sino-sino ang mga kabilang dito?
Kung hindi ako nagkakamali dalawang taon na ang Rawstarr pero yung pinaka studio namin matagal na, bale yung pangalang Rawstarr lang yung neto lang lumabas. Sa ngayon may apat na aktibong artists ang Rawstarr - JP Bacallan, Psychedelic Boyz, Pricetagg at Because.
10. Ano ang masasabi mo sa local hip-hop ngayon, lalo na pag-dating sa production?
Malakas! Nakakatuwa din kasi madaming bagong sibol na magagaling ang naglalabasan ngayon. Sana mag tuloy tuloy 'to para tuluyang lumakas ang local Hip-Hop!
(Litrato mula kay Chee Chany)
11. Ano naman ang pananaw mo sa mga artist na gumagamit ng nakaw o downloaded na beat?
Di ko masisisi yung iba na nagnanakaw o nagdodownload ng beats dahil siguro wala pa silang budget pero para sa akin kung seryoso talaga ang isang artist sa musika nya dapat talaga syang mag-invest tulad ng pag-bili ng orig na beat para di magkaroon ng kumplikasyon balang araw.
12. Sa mga hindi pa nakakakilala sayo, maaari mo bang ibahagi dito ang mga nakaraang proyekto mo?
Marami eh pero isa sa mga nakaraang proyekto ko ay yung BARCODE album ni Pricetagg. Pwede nyong ispotan yung album sa YouTube at sa lahat ng online music streaming platforms.
13. Nanonood ka ba ng FlipTop? Sino ang mga paborito mong battle emcee at ano ang mga paborito mong laban?
Oo. Favorite battle emcees ko ay si Loonie at Pricetagg. Paborito kong laban ay yung kay Pricetagg at Batas kasi madaming tao ang hindi nag-eexpect ng pagkapanalo ni Pricetagg dun.
14. Ano ang maipapayo mo sa mga nagbabalak pumasok sa beat making?
Persistency is one of the major keys, tapos kailangan dito ng madaming panahon para mahasang mabuti ang tenga. Wag mag-stick sa iisang style o genre para limitless ang maabot.
15. Bago 'to matapos, may mensahe ka ba sa mga sumusubaybay sayo? At ano ang mga maaasahan namin sayo sa 2022?
Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga sumusubaybay sa musika ko, kundi dahil sa inyo walang Mark Beats na maririnig sa eksena. Pinapangako ko po na ngayong 2022 asahan nyo ang mas matitindi pang tracks na ilalabas ko. Secret muna sa ngayon para suprise heheh! pero para sa updates pwede nyo akong i-subscribe sa YouTube channel ko at i-follow sa Facebook - Mark Beats.
(Litrato mula kay Cy Dellosa)
Medyo underrated pa rin talaga ang mga producer dito sa bansa. Kaya namin naisipang gawin ang interview series na ‘to upang mas mamulat pa ang lahat sa sining ng beatmaking. Malaking shout out kay Mark Beats para sa pag-bahagi niya ng kanyang kwento. Simula palang ‘to. Abangan niyo nalang ang susunod na “Behind The Sound”!