Behind The Sound

Behind The Sound: League Of Paul

Alamin ang storya ng isa sa pinaka respetadong producer sa eksena ng Pinoy underground hip-hop. Ito ang kwento ni League Of Paul!

Anonymous Staff
November 30, 2021


Unang rinig mo palang ng musika niya ay siguradong mapapatango ka na. Pang kalye ang kanyang tugtugan, at kadalasan ay hinahaluan niya ‘to ng mga nakakaakit na Soul samples. Kahit marami na siyang mga kantang nilabas at nakatrabahong mga bigating artists, nanatili pa rin siyang underrated sa eksena. Ganunpaman, hindi siya tumigil sa pag gawa ng mga beat na nagrerepresenta ng purong hip-hop.

Alamin natin ang istorya ng respetadong producer na si League Of Paul dito sa ika-apat na kabanata ng Behind The Sound.  Paano siya nag simula sa hip-hop? Sino ang mga nag impluwensya sa kanya? Ano ang proseso niya sa pag gawa ng beats? Ilan lang yan sa mga tanong na sasagutin niya dito. Simulan na natin!

1. Kailan at paano ka natutong gumawa ng beats? Eto na ba gusto mong gawin simula nung namulat ka sa hip-hop?

Nagstart talaga ako sa rap, around 97 Dalawa kami ng kuya ko (si Duanesis of Apokalipsis ) Mostly freestyle  lang di pa ako ganon ka serious non para mag sulat ng lyrics and gumawa ng song. Mostly babblin lang, various topics etc. Then nag start yung curiosity ko sa beat making at production nung napakinggan ko yung album ni DJ Honda na HAI! 98 sya nirelease nun, if my memory serves me right. Sobrang  na in love ako sa buong album na yun. From production pati sa mga emcees involved. Then sinabi ko sa sarili ko na eto gusto kung gawin - mag rap at gumawa ng beat.

2. Anong kanta (local o foreign) ang nagsilbing inspirasyon sayo bilang producer? (pwede magbigay ng higit isa)

Medyo mahirap mag bigay kahit sampu, sa sobrang dami nang nag bigay inspirasyon sakin. Pero to name a few.

Qtip - Let’s ride (Isa to sa mga beat ni Dilla dawg na nasa top tier para sakin.)

Durag Dynasty - Goon call (Everytime papakinggan ko to nasakit leeg ko. Sobrang laking influence sakin ni Alchemist pag dating sa production. Yung grit yung dirtiness ng style nya and choice of samples.)

Syke - Sa mundo ng mga walang kapiling (Isa sa mga local hip-hop track na kahit ilang beses ko pakinggan lagi kung nasasabi “Grabe yung ginawa nila Lowkey and Syke dito” Sobrang timeless nitong track nato para sakin. Bittersweet kasi dimona mababalik yung era na yon ng hip-hop.)

De La Soul - stakes is high. ( Una ko napakinggan to 97. tho na release sya ng 96. Dilla dawg production ulit. Kahit sabihin nila na overrated si Dilla Genius talaga siya eh.)

Pamilia Dimagiba - Metrostarz99 (Para sakin walang skip ang dra’manila. Lahat solid. Pero eto yung parang Triumph ng Wutang track nila eh. Jumpoff sa 1st verse si Shadowblayde unang verse palang head nod na agad, tas yung beat nito production ni Arbie syempre. Nakabubulag na liwanag!!!)

DJ Arbie Won - Summer of 92 (Unang araw ng release ng UF2 isa sa pinaka masayang araw para sakin. Isa to sa pinaka favorite na track ko sa album. Bobby hutcherson sample!!!)

Prodigy - Keep it thoro. ( Favorite track ko sa buong HNIC album. Pang basagan tong beat and lyrics nato. Pag gising mo sa umaga eto pakinggan mo. Alchemist production ulit to.)

Little Brother - The Yo Yo (Nicolay remix). (If di nyo kilala si Nicolay i suggest i check out nyo sya. And for me sobrang ganda ng pag ka remix nya dito sa song nato. We named our son after him. Sobrang laking inspiration nya din sakin sa pag gawa ng music.)

Little Brother - Lovin it. ( 9th wonder production. Isa sa mga favorite tracks ko sa minstrel show and sa mga beats ni mister Douthit.)

Young Galaxy - Keepin it strong. (Isa lang ang goal ko dati kaya nag pursue ako to do this hip-hop shii. Mapasama sa camp ni Arbie and PD and ma feature sa mga album na gagawin nya at sa mga united freestyles na dadating. Grabe tong track na to. Para sakin si Arbie won ang pinaka naging inspiration ko to make beats. From broke and unsigned united freestyles vol.1, Down earf urban flow etc. Salamat sa inspirasyon Arbie!!)

I think yan muna ang top 10 ko. Sobrang dami pero yan yung first 10. We can go all day tho. Hahaha

3. Sinong producer naman (local o foreign) ang nag-impluwensya sayo? (pwede rin magbigay ng higit isa) 

Not in particular order:

1.Arbie Won

2.Lowkey

3.Chrizo

4.Pasta Groove

5.Alchemist

6.9th Wonder

7.Madlib

8.Jaydee

9.Juss Rye

10.Nicolay

4. Ano ang ginagamit mo sa pag-gawa ng beats? (MPC, Fruity Loops, Reason, atbp.)

Right now ang gamit kong software is Logic pro and Reason. Akai Mpd26 as a controller/sampler And Sound forge

5. Ano ang proseso mo sa pag-produce? Ikaw ba yung gumagawa kahit wala pang artist na sasalang o may naiisip ka na agad na babagay sa instrumental?

Iba iba eh. most of the time paparinig ko nalang sa artist pag gawa na yung beat. If trip nila good. If hindi naman ok lang din. Pero pag sa circle ko naman dun kami nakaka upo to conceptualize a song. Mag brainstorm if ano yung gusto naming outcome ng track. And kung anong type ng beat yung trip nila.

6. Meron ka bang preference (boom bap o trap) sa tunog o depende talaga sa mood? 

Para sakin kung sino or kung ano yung mga influence ko yun yong lumalabas sa tunog ko talaga eh. And hindi mawawala syempre yung boombap street gutter type soulful reality raps and beats na naging foundation ko. So yun talaga yung preference ko.

7. Sa mga hindi pa nakakakilala sayo, maaari mo bang ibahagi dito ang ilan sa mga nakaraang proyekto mo? (pwedeng isama yung mga collaboration)

Ako nga pala si Sleepy Raccoon or League of Paul. Part ako dati ng Teamfirm. I think around 2004-2007? Collective kami ng ibat ibang emcees producer etc. Kasama ko sila Meow, DJ Excalibur, Native Tongue Straight arrow (Jeshurun, Zero Grind, GYO). Much love sa mga yan. Kasi sila yung mga kasama ko nag start on this hip-hop shit. 

Naging part din ako ng BSIDES. A compilation of different artists from Turbulence and Space Monkey. Na release sya nung 2005. Kasama ako sa isang track which is “5Mics”. Kasama ko sila Protege, My man Marcus Prolifik and Stick figgas. Salamat kay Bong (Broc) and Chris (Chrizo) kasi they consider me to be part of that classic record. Sobrang thankful ako sa opportunity na yun. Check nyo yung track dito:

Naging part din ako sa EP ni Marcus Prolifik na Loner. I produced a couple of beats sa ep nya. Salamat din kay Marc sa tiwala and always digging my shit. Check nyo yung Tracks na ginawa namin sa ep nya dito: 

Recluse 

Don't Belong

Nag release din kami ni Underwater ng split beat tape entitled “Long live the emperor” nung 2016. 8 tracks of obscure hip-hop shit. Shout outs to my main man Underwater. Sobrang talented na producer nyan. You can check the beat tape here.

Then nakasama din ako sa beat tape na ni release ng TCMF. Cold Gravy Vol.1 kasama ko diyan mga talented na beat smiths and producers and mga close friends tulad ni Defcon, Six the Northstar, Moki Mcfly, Mic the Benchdweller Sloj and madami pa. Salamat din kay Josh (Sneaky) for always hooking me up pag may mga projects and shit. Keep it Jamby lagi!! Haha for some reason nawala yung link ng Album eh hopefully ma upload siya ulit soon.

Nakasama din ako sa Concept album ng Writer’s Block entitled “Clarion Call” Released nung 2016 din. Ibat ibang emcees and producers. Kasama sila KMG, Apoc, Rambling Man, Ruby Ibarra, Tatz Maven, Den Sy Ty and madami pa. Iba't ibang styles maririnig mo dito kaya sobrang solid. Check nyo yung album dito.

May beat din ako ginawa for Den sy ty’s first album na“Manila circle jerk” if you’re into that gritty grimey shit check out nyo tong album na to. Kasama ko din mga malulupit na producers dito sa album nya. MokiMcfly,Funkatalyst and madami pa. Salamat din kay Den sy ty sa tiwala. Check nyo yung album dito.

My track din ako na ginawa for OJ River of Bawal Clan entitled “Marrawanna” on some feelgood street shit as always. Props to OJ for killin’ this beat. Check nyo yung track dito.

Also my isang track din ako ginawa for Kartell’em sa first album nila I believe. Title nung song “Keep Swimming” check nyo yan. New generation natin yan. Shout outs kela Roy and Waiian and sa buong Kartell’em. Kasama ko nag produce nung beat na yan si Havo. A Good friend of mine. Isang napaka galing na producer din. Base na sya australia ngayon but hopefully we can do more songs pag balik nya. Check nyo yung track ng Kartell’em dito:

May track din kami ginawa ni Arbie Won. Lalabas sa beat tape nya soon. Halos 12 years in the making yung song pero buti pumayag naman si Arbie na gamitin ko yung beat. Narinig ko to sa myspace music page nya way way back. And sobrang fortunate ko na pinagamit nya sakin yung beat. Check nyo yung track dito.

Check nyo din yung track na ginawa namin ANE. “Chicken Nachos” yung title nung song. If you like that street shit magugustuhan nyo to. Much love to my main man Sonny Koufax always down for whatever. Isang araw lang namin ginawa tong track nato.

May track din kami ni Pistol Swayze. Title nung song. “No Future sa Pader” isa si Pistol sa mga producers locally that I look up to. I guess sa style nya and sa choice of samples and long time friend ko din sya. Check nyo yung song dito.

8. Maliban sa pag produce, nag rarap ka rin. Balak mo ba ituloy 'to o mas tutok ka talaga sa beats ngayon?

Yeahh man. I still rap. Mas nakakagawa lang ako ng beats ngayon. 

9. Kabilang ka sa grupong "Lunch Money Project". Paano ito nabuo at sinu-sino ang mga miyembro?

Yeahh!! Kasama ko si ANE and Marcus Prolifik sa LMP. We go way back and dami nadin kaming songs na nagawa together. so nag usap kaming tatlo. Since same influences and wala din kaming mga group. Nag decide kami bumuo ng parang side project. Check nyo yung mga shit namin if may time kayo. Baka may matripan kayo sa mga gawa namin. next year irerelease namin yung first ep namin. Check nyo yung tracks dito.

10. Ano ang masasabi mo sa local hip-hop ngayon, lalo na pag-dating sa production?

Maraming magagaling na producers ngayon hands down. And tungkol naman sa scene ng local hip-hop ngayon. Hindi na ganon yung appeal nya for me unlike before. Nothing against it. Iba iba naman tayo ng trip and pananaw. So i guess hindi para sakin yung scene ng hip-hop ngayon. That’s just me tho.

11. Ano naman ang pananaw mo sa mga artist na gumagamit ng nakaw o downloaded na beat?

Basta nabigyan nila ng justice yung beat na hiniram nila. Walang problema. Kahit ako gumamit din ako ng instrumental ng ibang artist dati. So i think wala namang problema dun basta i credit lang natin yung may ari ng track or kung sino gumawa.

12. Nanonood ka ba ng FlipTop? Sino ang mga paborito mong battle emcee at ano ang mga paborito mong laban?

Yeah of course man. Since day one. Well yung mga favorite ko syempre Protege, BLKD, Skarm, Batas, Loonie, Plazna, Flict G to name a few.  Sa laban naman Mostly mga laban ni Allen, Loonie, Batas yung mga pinapanood ko.

13. Ano ang maipapayo mo sa mga nagbabalak pumasok sa beat making?

Keep it thoro lang lagi. And just do you!

14. Bago 'to matapos, may mensahe ka ba sa mga sumusubaybay sayo? Atsaka ano ang mga parating mo na proyekto?

Next year lalabas namin first EP ng Lunch Money Project - Mckinley Hill Drive By. Checkout nyo yan. May niluluto din kami ni Brent Barrie of MDK. Hopefully next year malabas. May ginagawa din kami ngayon with some homies sa New Zealand. Shout outs kay JSTNBNKS and Miles!! Abangan nyo din yan. May EP din kami rerelease ni Pistol Swayzee on the works na.EP ni ANE on the works nadin. Then marami kong lalabas na track soon. Thorobred shit as always!! 

Yun lang siguro. Hello pala kay Coyi and Nicolay saka sa Nanay ko and sa Erpats ko. Rest in peace pops. Salamat sa FlipTop staff.

Puntahan niyo lang ang kanyang pahina sa SoundCloud at mamangha kayo sa bawat obra niya. Saludo kay League Of Paul dahil kahit hindi gaanong kalat ang pangalan niya kumpara sa ibang producer ay tuloy pa rin siya sa pag likha. Sumikat ka man o hindi, walang makakatanggi na marami kang naimbag sa beatmaking pati sa pag rarap. Aabangan namin ang mga susunod mong proyekto.



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT