Crew's In

Crew's In: Longhaul Global Comms

Nagsimula nung kalagitnaan ng 2020 at ngayon ay palakas lang nang palakas. Mas kilalanin natin ang kolektibong Longhaul Global Comms!

Anonymous Staff
August 12, 2022


Opisyal na nabuo nung kalagitnaan ng 2020 at simula nun ay hindi na sila huminto sa paggawa at pag-representa ng kalidad na hip-hop. Kolektibo sila pero sinisigurado pa rin nila na indibidwalismo ang mananaig. Wala pang dalawang taon ay marami na silang nilabas na proyekto. Ito ay patunay na siniseryoso nila ang sining na ‘to at hindi para sa panandaliang kasikatan lamang.

Para sa bagong kabanata ng Crew’s In, ating kilalanin ang grupong Longhaul Global Comms na binubuo nila Six The Northstar, Indio, Eli, Xanny Warhol, Kadena, at Railkid. Malalaman natin ang buong kwento kung pano sila nagsimula, ano talaga ang hangarin nila sa eksena, at marami pang iba. Huwag na natin patagalin pa. Mag-simula na tayo…

1. Kailan at paano nagsimula ang grupo niyo?

Eli: Siguro mga mid 2020? Mga panahong nangangati na yung mga tao magka gig pero unang GCQ bullshit palang non, so tamang pangarap lang kame ni Indio mag gig at magka grupo. Tas ayon sakto sila Six at Railkid lagi naming kasama kaya natural na lang na isama sila.

Xanny Warhol: Pre-pandemic napag uusapan na nila Eli, Indio na gusto nila gumawa ng collective na hella hiphop. Sinali nila ko nung na-vouch ako ni Radz na tugma tunog ko sa shit na gusto nila gawin.

Indio: Mid 2020. Yung idea namin ni Eli ay bumuo ng group of individuals ng mga unheard of artist na merong magkakaibang distinct na styles.

2. Bakit Longhaul Global Comms ang napili niyong pangalan? Ano ang ibig sabihin nito?

Eli: Si Indio talaga nakaisip non. Actually nauna don yung SamekindMFs. Sa lagi kame magkasama tamang alam na namen iniisip ng isat isa. Tas hanggang naisip ni Indio yung phrase na "for the longrun" tas nagkatinginan kame na parang "ay gago Longhaul" tas ayon dumikit nalang. Longhaul Mutual Forces muna. Tas eventually nung mga napaguusapan yung touring possibilities gusto namen ng "worldwide" type na handle. Kaso dami nang fucking ganon kaya naisip ko yung "Longhaul Global Comms." Tas ayon na hahaha.

Xanny Warhol: Longhaul kase yung shit namin pang matagalan di katulad ng microwave tracks ng ibang mga rapper ngayon.

Indio: We are up to something that doesn't just come and go like the most in this field. We're gonna take our time because we are in it for the Longhaul.

3. Sinu-sino ang mga impluwensya niyo bilang grupo?

Eli: Well iba iba kame ng impluwensya eh makikita naman sa style ng raps ng individual. Pero personally feeling ko as a group medyo trip namen Three 6 Mafia, syempre tangina Wu-tang.

Railkid: Alchemist, DJ Muggs, Madlib, Nujabes, J Dilla, Pete Rock, Wutang, Gangstarr, Nas, Funkdoobiest, DITC, Jeru the damaja, Kool G Rap.

Xanny Warhol: Lil Wayne, Max B, Kid Cudi, Andre 3000, Earl Sweatshirt, Robb Banks, Young Thug

Indio: Stones Throw, as a collective. Eric B & Rakim. KRS ONE & Scott Larock. Grandmaster Flash & The Furious Five, yung concept na DJ (Six The Northstar) and his wordsmiths (Eli, Railkid, Xanny Warhol, Indio LahingBilad).

4. Ano ang hangarin niyo sa eksenang ‘to?

Eli: Gumawa lang music. Tas siguro mag set din ng bar kahit papano sa hiphop ng Pilipinas na pwedeng gumawa ng permanenteng impact na positive projectwise. Medyo pass muna sa viral dreams haha.

Railkid: Para sa akin simple lang naman, Yun ay ang maglabas ng maglabas ng albums, compilation as long as it pertains to this music.

Xanny Warhol: Gawin lagi yung alam kong ako lang may kayang gumawa sa music shit na ‘to.

Indio: Na makapag-ambag kami sa paraang kaya namin para mas marecognize mga homegrown talents in an international setting.

5. Sa dami ng grupo at kolektibo sa larangan, Ano sa tingin niyo ang pinagkaiba niyo?

Eli: Siguro yung iba ay di namin ginamit yung "boyband" na approach. Medyo gasgas na kase yon eh. Hirap pa non pag may gig tas wala yung iba edi pilay yung buong grupo. Medyo individual based yung grupo namen, contradicting yung terms pero yun sya talaga hahaha. Kanya kanyang project tas gawa din ng mga kanta ng magkakasama. So pag 3 o 2 lang sa gig durog padin yung set, at kahit magisa ka lang na tutugtog kaya mo padin tayuan yung craft mo ng di inaasa sa kagrupo mo yung performance mo. Pero taena pag buong grupo andon, bayaran nyo na kame ng mahal kase wawasakin namen yon. Hahahaha

Railkid: For me, our difference from everyone else is we have our own [rojects, albums that we are working on. We seem to have our own strengths, different lines and styles, but our direction is the same. 

Xanny Warhol: Di kame puro collab, kahit sa collective namin mismo bilang lang yung magkakasama kame sa isang track. Di ren kame puro single, project based talaga yung shit na gusto namin i-showcase.

Indio: Sila, mula sa grupo na eventually nag kanya-kanya. Kami, kanya kanya kami to begin with na nagkaisa to make a bigger impact creatively.

6. Anu-ano na ang mga proyektong inilabas niyo?

Eli: Mga lumang mixtape lang saken tsaka yung Optics kasama si Six. Bilang grupo wala pa pero may ginagawa kame ngayong compilation type shit. Waiting lang. Hehe.

Railkid: Mayroon na din kaming iilang nailabas na proyekto, Last year each of us was able to release one album and singles except for me who released two albums, and almost all of that projects Six the Northstar produced the beats and I'm glad that we at Longhaul are both able to release the sound that we want, Pero sa album? Nakaka apat na ako.

Xanny Warhol: Unchallenged EP w/ Kadena yung sakin. Working on shit w/ Six and Kadena ulet. Longhaul tape balak namin mag drop kaso sa ngayon focus sa mga sari-sariling project

Indio: The Latebloomer Mixtape, PH All Mixtape, Unorthodox Mixtape

7. Ano ang mga plano (solo o bilang grupo) niyo sa mga darating na buwan o taon?

Eli: Album ulit. Tas project kasama si secret. Tas longhaul EP nga. Tas syempre tour. Tas gig na maraming marami. Yung mga nakakabasa neto testing nyo kase.

Railkid: Madami eh, pero to be specific I have an album I'm working on together again with Six the Northstar, and there are also plans with the Longhaulin’ to produce singles, EP’s, visuals at iba pa na atake na maaaring makatulong sa kolektibo namin.

Xanny Warhol: EP w/ Six, mixtape w Kadena. Collabo sa mga ibang rapper na kapwa kong mayabang na kayang din sumabay. Drop ng music videos saka merch.

Indio: LahingBilad Album. Longhaul Album.

8. Sa pananaw niyo, Ano ang estado ng Pinoy Hip-hop ngayon?

Eli: Malakas hiphop ngayon ewan ko lang sa mga to kung ano masasabi taena nyang mga yan mga hater yan eh hahahahahaha. Pero yon solid iba ibang style. Mabuti din na nagkakapera yung mga tao sa craft nila at nagiging form ng stable na kabuhayan para sa mga artist yung music nila. Pero sa dami ng malupet syempre dami din na needs improvement hahaha. Balanse lang.

Railkid: Sa akin okay lang, nakikinig, nanonood, and just observing, but I'm also really choosing what I put in my ears.

Xanny Warhol: Orb effect ako sa yabang ng ibang rapper kaya di ko na lang pinapakinggan. Pili lang trip ko sa mga naglalabas ngayon. Hahahahaha kuha lang ng views mga pare.

Indio: Golden Era sa Pinas. Established na ang mga artists locally and pwede na din for international reach at syempre dahil iba na din ang support ng mga kababayan natin sa favorite artists nila more than ever. Mainstream man o underground.

9. Ano ang maipapayo niyo sa mga grupong nag-sisimula pa lang?

Eli: Gawin nyo lang. Wala naman mawawala sa pagsubok lalo na kung may pangarap kayo. Lahat ng sumikat yumaman at lumupit sa hiphop man o sa kahit anong parte ng buhay nagsimula sa pagsubok nung trip nila. Tas syempre naniwala at tinrabaho ng mabuti.

Xanny Warhol: Hanap kayo ng katulad nyo ng yabang para di kayo mag away away. Gawa ng gawa wag puro hintay. Wag sipsip tae sa mga angat na, mag mumukha kayong mahina. Mapapansin naman kayo kung malupet eh.

Indio: Wag kayo matakot magkamali. Lalo na kung ang buong hangarin niyo ay tama.

10. May mensahe ba kayo sa mga taga subaybay niyo?

Eli: Longhaulin Motherfuckers. Don't act like you don't know.

Xanny Warhol: Salamat at abangan pa yung parating! Apiran sa gig. Alam ko may taste kayo kung trip nyo kami.

Indio: Longhaul Mutual Forces. We boutta git it done. Third world frequency turning to another million and one.

11. Ano ang tingin niyo sa mundo ng battle rap?

Eli: Napaka husay at angas ng mga bumabattle. Namulat lang din talaga ako sa local hiphop, personally dahil sa battle rap nung lumabas yung FlipTop nung mga 2010. Magandang entry point sya para sa mga gusto magsimula na gumawa ng career sa hiphop or gusto lang na mas matuto tungkol sa kultura at eksena.

Railkid: Magandang plataporma siya para makipag pahabaan ng pisi, polishing the materials, it is a good place to lay out the style, type of writing and develop the critical thinking skills.

Xanny Warhol: May mga battle rapper talaga na iba ang approach sa pag gamit ng salita, nakakabilib lang den makarinig ng bagong paraan kung paano iparating yung gusto nila sabihin.

Indio: Sobrang laki ng nagawa ng battle rap sa pinas para maentertain, mapasaya at maeducate ang mga kababayan natin, that paved the way for the mainstream support locally. And still keepin it mostly independent than commercialized. Mad love and respect sa Fliptop.

12. Ano naman ang mga payo niyo sa mga battle emcee na nangangarap makapasok sa FlipTop?

Eli: Lupitan nyo kase di kayo makakapasok kung wackshit sulat nyo. Tsaka habaan nyo pasensya nyo lalo nat di na uso puro angas lang sa hiphop. Minsan mas malayo nararating ng malupit na nerd kesa gangsta na may labsong.

Xanny Warhol: Wag mangopya ng style. Lilitaw yung mga original paden kahit kelan saka kahit anong mangyare

Indio: Push the culture forward. Keep raising the bar higher than the last guy.

Puntahan niyo lang ang link na ‘to para sa kumpletong impormasyon tungkol sa grupo. Nandiyan ang kanilang social media accounts pati streaming sites. Maliban sa mga paparating na kanta at music video nila, abangan niyo rin ang kanilang mga susunod na gig. Salamat ulit sa Longhaul Global Comms sa paglaan ng oras para dito. Tuloy-tuloy lang sa musika!



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT