Panibagong Crew’s In nanaman. Ngayon, nakausap namin sila Lexus, Astro, at Paul Cassimir, o mas kilalang bilang OWFUCK. Enjoy!
Sila ay lumaki sa kalye ng Maynila, at agad silang nakilala sa eksena dahil sa kanilang nakaka hype na musika. Hindi ka naniniwala? Pumunta ka sa mga gig nila para makita mo kung pano magwala ang mga tao sa kanilang mga kanta. Makalipas ang ilang taon, nag-labas rin sila ng mga proyekto na mas personal ang nilalaman, at pumatok pa rin ang mga ‘to sa mga nakikinig.
Bagong edisyon nanaman ng Crew’s In. Ngayon, malalaman niyo ang kwento nila Lexus, Astro, at Paul Cassimir, o mas kilala bilang OWFUCK. Pinagsama sama nalang nila ang mga sagot nila para mas madali ang pagbabasa ninyo. Huwag na natin patagalin pa, game na…
1. Kailan at paano nag-simula ang grupo niyo?
Nagsimula nung 2013, kami muna ni lex (Astro, Lex) trip trip lang, di namin inaasahan pumasok sa gantong industriya, masaya na kami makagawa lang kami ng kanta.
2. Bakit OWFUCK ang napili niyong pangalan? Ano ang ibig sabihin nito?
Nakuha namin sa Odd Future at ito ang aming expression.
3. Sinu-sino ang mga impluwensya niyo bilang grupo?
Sa local 187 Mobstaz, Andrew.E, at madami pang iba mula kila Francis M. Fan din kami ng FlipTop. Sa international naman, J.Cole, Joey Badass, Kendrick Lamar, Flatbush Zombies, ASAP Mob at madami pang iba.
4. Ano ang hangarin niyo sa eksenang ‘to?
Turuang mag isip ang mga tao, at maging gabay kung ano ang dapat.
5. Sa dami ng mga grupo sa larangan, ano sa tingin niyo ang pinagkaiba niyo?
Umiba kami sa iba. Lol.
6. Anu-ano na ang mga proyekto na nilabas niyo?
Naglabas kami ng mga single, naglabas kami bilang 727 Clique, at nakapaglabas din kami ng mixtape noon.
7. Ano ang mga plano (solo o bilang grupo) niyo sa mga darating na buwan o taon?
Plano naming maglabas ng maglabas, solo man o grupo. Bawat isa samin ay may ibat ibang style bilang individual, at susubukan namin ilabas yon. Kasalukuyan din naming ginagawa ang ilalabas naming EP ngayong taon.
UPDATE: Nilabas na ang album si Lexus na “Paglaya” habang si Astro naman ay may dalawang album na (“Linya” at “Buhay”) at isang EP (“Muli”).
8. Sa pananaw niyo, ano ang estado ng Pinoy hip-hop ngayon?
Healthy pero minsan may sakit. May mga organizer na palpak, may mga di nagbabayad ng artist, mga fake beef, at kung ano ano pang marketing strategy. Pero kahit ganon, may progreso lahat, masaya kami in general sa kung ano ang nangyayari sa hiphop ngayon.
9. Ano ang maipapayo niyo sa mga grupong nag-sisimula palang?
Be yourself and fuck the rest. Wag masyado magpakampante sa nangyayari kahit alam mong may progresong nangyayari sayo, wag titigil. Don’t follow your dreams, chase them.
10. May mensahe ba kayo sa mga taga subaybay niyo?
Patuloy nyo sanang suportahan ang nilalabas namin, merch man o musika. Salamat sa inyo.
11. Ano ang tingin niyo sa mundo ng battle rap?
Respeto dahil bilang artist mahirap pumasok sa ganung eksena. Dahil hindi biro makipag battle habang gumagawa ng musika.
12. Ano naman ang payo niyo sa mga battle emcee na nangangarap makapasok sa FlipTop?
Galingan niyo lang. Maging kakaiba pero pasok pa din sa pagiging artist.
Puntahan at i-like niyo lang ang pahina nila sa Facebook para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga gig at paparating na proyekto. Salamat ulit sa OWFUCK para sa pagsagot nito. Sana ay marami pa kaming marinig na mga obra mula sa inyo!