MC Spotlight

MC Spotlight: BukodTangi

May bagong MC Spotlight ulit! Kausap natin si BukodTangi, isang underground na lirisista mula sa Cubao.

Anonymous Staff
April 27, 2023


Marami man ang mga nauusong stilo ng pag-sulat, sinisigurado niya na nananatili ang sining ng storytelling. Hindi basta-basta kwento lang kundi mga storyang hango sa tunay na buhay ang nais niyang ihatid sa mga makikinig. Isa siyang emcee at graffiti artist mula sa Cubao at nandito siya upang ipakita ang samu’t saring nangyayari sa kanyang lugar. Minsan masaya, minsan malungkot, minsan nakakatakot pero bawat isa ay totoo.

Para sa bagong edisyon ng MC Spotlight, halina’t makipag kwentuhan tayo kay BukodTangi. Maliban sa kung paano siya nagsimula, alamin din natin kung sino-sino ang mga nag-impluwensya sa kanya, bakit hindi mawawala ang boom bap sa mga kanta niya, ano ang nangyari sa usapan niya sa PolyEast Records, at marami pang iba. Umpisahan na natin…

1. Kailan ka nag simula mag rap? 

Nag simula ako siguro way back 2004 o 2003 nung 1st year highschool ako non una kong sinulat ang 1st rap song ko di ko na alam title lol. Sa lugar namin wala nag rarap non ako lang at pag nag rarap o hiphop ka non kadalasan pag tatawanan ka, kaya way back 04 or 05 sobrang memorable ng mga panahon na yun kase kailangan may puso ka talaga kase yung ginagawa mo hindi mashadong uso at discriminated .

2. Ano ang kwento sa emcee name mo na BukodTangi? 

Haha nakakatawa yung BukodTangi name ko haha kase andami kong kapangalan hahaha. Yun lang talaga yun haha. Ang totoo kong pangalan Gabriel talaga yan sana gusto ko gamitin o Gab pero sobrang dami ng gumagamit ng pangalan na yun mapa abroad o local sa rap at yung una kong ginamit na rap name na Dellubiyo parang baduy na kung gagamitin ko kase matanda nako. So naisip ko nung una pangalan ko dapat walang katulad tas sabi ko walang katulad??? Pwede !!!!! So ayun yun una kong naisip talaga gamitin Walang Katulad hanggat tumawag si 8th Messenger sakin papasok ako naka trycicle, e sakto pinapakingan ko Larangan by Pamilia Dimagiba. Sabi sa chorus "Dimagiba bukodtangi sa magiting na larangan!!!!!!!!" Sab ko BukodTangi pwede din. So inask ko si kuya 8th Messenger sabi ko Walang Katulad o bukodtangi ano mas ok? Nung una puro sya huh huh huh??? Hanggat sabi nya nalang BukodTangi. So ayun it was settled lol! BukodTangi magpakailanman hahahahhaha pero yung walang katulad ginagamit ko pa rin name yun pag gagawa ako beat.

3. Kakalabas lang ng solo album mo na pinamagatang "Cubao". Ano ang konsepto nito?

Based on personal experience ang mga kanta ko jan at baka nga Cubao album ang unang pinoy rap autobiography. Mga kwento sa mga pains at struggles, kaapihan, injustisya na dinanas ko na sigurado akong pinag dadaanan din ng ibang kabataan o mga lalakeng lumaki sa Maynila. Ika nga ni Cruzito sa Blood In Blood Out, "I'm an artist i just paint what I see."

4. Paano mo maipapaliwanag ang stilo mo ng pag-rap sa mga taong hindi pa pamilyar sayo? Ganito ka na ba bumitaw nung nag-simula ka?

Storyteller ako nag pipinta ako sa isipan yun talaga ang style ko, although makakarinig ka ng maraming multi o worldplay sakin pero ang pinaka importante parin sakin yung may pinupunto ako sa mga songs at may substance sinasabi ko, pero mas naniniwla ako na writer tlaga ako more kaysa sa emcee o rapper. Nung una speed rap talaga ang gusto ko gawin sabi ko mukang ok a  pero as I get older mas naisip ko na mas ok yung naiintindihan ka ng mga tao.

5. Makasaysayan ang lugar na Cubao. Malakas din ba ang kultura ng hip-hop dito? 

Malakas ang hiphop naman dito lalo na ang graffiti scene. Sobrang daming crews ang dumadayo para bumomba dto actually. Sa deejaying side naman malakas din kase dinadayo ng mga producer ang Cubao talaga para mamili ng plaka at kadalasan may pa event pa sa Cubao Expo. Madame din emcee dito siguro para kaming Queensbridge ng New York. Sana mas mapalakas pa naming nanatili sa kultura at mapalakas pa yung lyrisismo dito para pag sinabing Cubao top tier ang lyrisismo.

6. Ano ang proseso mo sa pagsulat ng kanta?

Siguro ang pnaka nasusulatan ko talaga na ganadong ganado yung alam kong naranasan ko na pwde ko makwento o something na I think dapat kong sabihin, yung may aral, and then ayun na pag dumampi na yung tinta sa papel parang tumutulo nalang, pero siguro ang pinaka proseso ko ay mag kulong sa kwarto ng ilang oras para sa  isang polidong sulat.

7. Ano ang iyong top 3 na album (local at foreign)? Nakatulong ba ang mga ito sa pag-gawa mo ng mga kanta?

Ang hirap ng tanong mo hahha pero siguro sa album sa local:
*Ghetto Doggs 3
*Pamilia Dimagiba - Dramanila 
*Pamilia Dimagiba - Resistance

Sa foreign:
*Illmatic
*Enter the 36 chambers
*Violent by Design

Yup, sobrang dami naitulong ng mga yan sa output ko, maski sa instrumental gusto ko ganito karumi at ka raw 
pero ang pinaka favorite ko sa mga yan ay ILLMATIC may lugar talaga sa puso ko yung album.

8. Sino naman ang iyong top 3 na emcee (local at foreign)? Gaya ng tanong sa 8, may naitulong ba sila sa mga bara mo? 

Ang hirap ulit hahaha pero siguro sa local:
*Francis M
*8th Messenger 
*Young Galaxy

Sa foreign:
*Naa
*Rakim
*KRS1

Yup, sobrang dami naitulong ng mga yan lalo na si Nas kasi si Nas ang idol ko talaga.

9. Kahit marami nang nausong ibang tunog sa hip-hop ngayon ay nanatili ka pa rin sa boom bap. Ano ang opinyon mo sa mga taong nagsasabing laos na daw ang ganitong uri ng produksyon?

Hahaha timeless ang boombap so pano malalaos? Sa mga nag sasabing laos na, siguro mashado pa silang bata para maapreciate ung tunog natin. Di na nila siguro msabayan kase nga bata pa sila that's understandable panapanahon talaga, by time baka magustuhan narin nila. Baka lang haha.

10. Para sayo, kumusta ang lagay ng lokal na eksena ng hip-hop ngayon?

Hiphop is very different from 2004 kung kelan ako nagsimula mag sulat. Andaming subgenre nya like drill, mumble, trap, at nagkaron na ring LGBT rap etc at gumanda lyrisismo nya mas witty na pakingan mga emcee now. Thanks sa FlipTop, malakas hiphop now at umangat ang lyrisismo at marame nagkaron ng career.

11. Kumpara sa era ng hip-hop na kinalakihan mo noon, ano ang pinagkaiba nito sa era ngayon? Ano ang mga na-improve nito at mga tingin mong dapat pang iimprove?

Sobra dami pero ang pinagkaiba talaga ngayon ay ang social media. Ngayon kase di na need ng label pwede ka na talaga mag indie and make it mas possible compare dati kase recording palang mahal na dati. Ngayon, 6k pwede ka na bumili ng gamit mo, at mas nag improve talaga compare sa lyrics. Happy naman ako atleast nag eevolve na ang rap ngayon. Mas naging diverse na.

Sa deejaying naman parang nawala yung kiskis konti nalang ang kumikiskis sana mas dumami pa ulit. Mga nag-bboys marame pa rin lalo na ung graffiti scene mas dumami kase karamihan sa mga nag bobombs dati mga gang member o communista ngayon puro writer na sobrang dami nila now all in for the love of art lang at mas dumami mga crews. Pero ang dapat iimprove pa ng mga tao tingin ko ay ang pag kilala talaga sa kultura as a whole kung ano ang hiphop talaga at mas magamit to para sa kabutihan ng mga tao din mas maimprove ang concious side ng hiphop kase ang konti lang talaga namin. Bilang lang ata kami sa kamay kung di ako nag kakamali.

12. Naranasan mo nang mag-tour sa malalayong lugar nung nakaraang taon. Kumusta naman ang experience mo dito?

Oo nakaraan sa Harabas Tour ni Aklas. Laking bagay kase 1st time kong mag perform 3 days striaght pag uwi lupaypay hahaha. Sayang hindi natuloy yung 4th day namin sa Batangas. Sobrang kakaiba yung experience kase magugulat ka mga kwentong Cubao pero naapreciate pa rin ng mga taga Bicol sa Speen Dat Sheet yung mga story mo sobrang kakaiba yung experience, at yung food don grabe babalikan mo sulit. Sana makabalik ulit ako. Much love sa mga nakasama ko sa van lol. Aklas, Crispy Fetus, Tulala, Prophecee, 8th messenger, Decay, Andie G, at Ardie G.

13. Maaari mo bang ikwento samin ang naging karanasan mo PolyEast Records? Natuloy ba ang pagpirma mo ng kontrata dito?

Ok naman PolyEast kung may concern ka makikinig naman sila. Nag counter offer ako kase gusto lang nila akong composer at bilhin nila ang album. So nag counteroffer ako sabi ko gusto ko maging artist talaga dito if kukunin nyo ko at ganito ung split na gusto ko. So far so good, under negotiation parin pero label or no label ilalabas ko pa rin yung mga gnwa ko kahit galing lang sa kwarto ko.

14. Aktibo ka pa bang nanonood ng FlipTop? Sino ang paborito mong battle emcee at ano ang pinaka tumatak na laban sayo?

Dati oo, pero ngayon medyo busy na. Madame magagaling sa FlipTop, si Plazma, Loonie, Apoc etc. Siguro ang pinaka tumatak yung Zaito vs Loonie kase isa sa pinaka nakakatawa un hahaha.

15. Ano ang mga maaasahan namin sayo sa mga darating na buwan at taon?

Asahan nyo ang next album ko next year. Ibang iba to sa Cubao album. I hope na mas marami makapakinig dito at may ginagawa rin akong album para sa mga bomber at socal night at lalo na sa album ni 8th Messenger solo ep may mga beats ako don so abang lang guys.

16. Ano ang maipapayo sa mga nagsisimula palang sa larangan?

Siguro hanapin mo muna sarili mo kung sino ka talaga. Bilang artist, panget yung wala kang identity. Ano ung mga sasabihin mo? Ano yung mga hindi mo sasabihin? Pangalawa ay prinsipyo. Para saan pa yung pera mo kung marame kang ipapahamak sa mga pinaggagawa mo. Panindigan mo kung ano ang tama at do the right thing. Ipag pasa Dios mo lahat ng gagawin mo.

Kung interesado kayong bumili ng CD ng kanyang debut album, mag-message lang kayo sa opisyal na pahina niya sa Facebook. Diyan niyo rin malalaman ang susunod niyang mga pagtatanghal at iba pang mga proyekto. Salamat ulit kay BukodTangi para dito at salamat sa inyong mga naglaan ng oras para basahin ito. Patuloy nating suportahan ang mga underground artists sa lokal na eksena!



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT