MC Spotlight

MC Spotlight: Singleshot

Isa nanamang bagong kabanata ng MC Spotlight. Nakausap namin ang isa sa mga nagrerepresenta ng leftfield hip-hop sa Davao na si Singleshot.

Anonymous Staff
December 06, 2021


Hindi pang karaniwan. Yan ang pinaka swak na depinisyon ng kanyang musika. Patuloy ang kanyang paglakbay sa kaliwang direksyon kahit hindi ‘to pumapatok sa madla. Ilang taon na siya sa eksena pero nanatili pa ring kakaiba ang istilo niya. Maliban sa madilim na tunog, kilala rin siya sa mga malalalim niyang kataga. Ito yung tipong kailangan mo talagang pakinggan mabuti upang makuha ang mensahe.

Para sa ika-anim na MC Spotlight, malalaman natin ang kwento  ng Davao-based emcee na si Singleshot. Kabilang siya sa grupong Lifelinez at kolektibong Kalawakan Krew na patuloy na inirerepresenta ang Underground hip-hop hindi lang sa Mindanao, kundi sa buong bansa. Ano ang nagtulak sa kanya maging makata? Bakit mas gusto niya sa ilalim? Yan at marami pang mga tanong ang sasagutin niya.

1. Kailan ka nag simula mag rap? 

Around 2001 - 2002 yung tipong cypher lang kasama tropa. Nag fefreestyle lang pag walang klase.

2. Bakit Singleshot ang napili mong pangalan? Ano ang kwento nito?

Mahilig kasi ako sa mga online games eh specially fps games. Pag nag lalaro ako sniper rifle tlaga ginagamit ko. Naisip ko oneshot yung gagamitin kong a.k.a..pinalitan ko lang yung word na 'one' into "single" same lang eh. Iba lang yung spell hehehehe

3. May nirerepresenta ka bang grupo o kolektibo? Kung meron, paano ito nabuo?

Member ako ng LIFELINEZ. Nabuo ang LIFELINEZ sa pag bibigay ng kanya kanyang opinion tungkol sa kultura mula sa aming munting kaalaman. Galing kasi kami sa iba ibang group so everytime nag kikita kami dati share agad at dun nag simula, pinag isa namin yung layunin ng bawat isa sa amin at bigyan ng buhay bilang LIFELINEZ. Kasama rin ako sa KALAWAKAN KREW isa itong kolektibo kasama ibang tropa na naniniwala sa aming galawan.

4. Sa mga hindi pa pamilyar sayo, ano na ang mga nagawa mong proyekto?

Nakapag labas kami nang E.P ng LIFELINEZ sa ilalim naman ng KALAWAKAN KREW meron din. I also featured on LABJAXX album na TRUE EXQUISITE. Sobrang sarraaapp.

5. Ano ang konsepto ng solo album mo na "Undefined"?

Simple lng naman eh. Palawakin nang kahit ilang pulgada ang isipan at wag agad maniwala. May mas malalim pang depinisyon ang mga bagay bagay.

6. Bakit leftfield ang napili mong stilo? Anong meron dito na wala sa ibang genre ng hip-hop?

Nag simula talaga ako sa novelty rap. Hanggang sa di kalaunan na kilala ko yung ibang genre ng hip-hop like hardcore hip-hop tsaka leftlfield rap o hip-hop. Ang leftfield kasi tlagang nakaka mind twist, yung tipong kailangan mong pakinggan uli o basahin uli. Ibang klaseng agressiveness sa leftfield eh. Cguro kc di masyadong known sa madla. Tama ba? Ayaw ko yung masyadong wet look hip-hop eh yung basang basa na.

7. Sino ang unang nag-impluwensya sayo na maging emcee?

Wala eh. Honest tlaga. Wala... as in wala. Inaral ko lang to... mula chismis, obserbasyon, at pakikinig ng mga kanta ng mga kilalang emcee. Kumbaga ginagaya ko lang sila. Di ko nga alam na emceeing na pala yun. Nakita ko sa iba ang galing nilang mag rap, sabi ko sa sarili ko ma try nga at sinubukan ko. Nung una ang sagwa, ewan ko parang gusto kong masuka hehehe. nag sanay lang talaga ako. May mga tumulong lang sa kin.

8. Ano ang iyong top 3 na album (local at foreign)? Nakatulong ba ang mga ito sa pag-gawa mo ng mga kanta? 

Sa foreign? 36 chamber ng Wu Tang, Illadelphhalflife ng The Roots tsaka Illmatic. Local? Actually madami talaga kaso 3 lng dapat so eto sila, Flowtek Concepts, Wanted by Death Threat, tsaka Born to Kill the Devil ng Ghetto Doggz. Malaki naitulong nila sa pag gawa ko nang kanta. Nakakakuha ako ng mga ideyang super bangis.

9. Sino naman ang iyong top 3 na emcee (local at foreign)? Gaya ng tanong sa 8, may naitulong ba sila sa mga bara mo? 

Local? Loonie, Mike Swift, Kemikal Ali. Sa foreign naman, actually di na ako updated sa foreign battle rap..pero yung mga all time fav ko syempre sina NAS , BLACKTHOUGHT, RAKIM. Malaki naitulong nila pag susulat ko. Naiinspire talaga ako sa kanila everytim nakikita ko sila sa video or nakikinig sa mga obra nila.

10. Nakalaban ka na sa FlipTop dati. Kumusta yung experience mo dun? May balak ka bang bumalik?

Sarap nung experience ko sa FlipTop since day 1 namin yung tipong di mo makakalimutan dami mong makikilala at maka sabay sa inuman. Yung iba naman sa mga proyekto 1 up!!! Babalik? Di na siguro. Sapat na yung na experience ko pero yung suporta andun pa rin at habang buhay na yun.

11. Sino ang paborito mong battle emcee at ano ang pinaka tumatak na laban sayo sa liga?

Siguro si Loonie. Siya yung tipong aabangan mo sa YouTube yung mga laban niya. Hihintayin mo talaga kung ano yung mga pasabog niya. Loonie vs Dello sa Ahon 3 yun yung unang nag battle sila. Freestyle icon vs rebuttal icon. Ok yung laban ito yung tumatak talaga sakin.

12. Kumusta ang Pinoy hip-hop ngayon? 

Ok naman. Humihinga pa rin. Salamat sa FlipTop.

13. Sa tingin mo, ano ang mga kailangan baguhin sa eksena ngayon?

Yung mga mindset ng iba. Anjan na yan eh. Parte na yan ng music evolution. Kung di mo ma tanggap umalis ka na lang. Wag puro hate, dati rin naman tayong parte ng ebolusyon at tinanggap din tayo nila.

14. Ano pa ang mga maaasahan namin sayo sa 2019 at sa susunod pa?

More projects. Sana. Hehehe

15. Ano ang maipapayo sa mga baguhan sa larangan?

Don't push anything. Just let the game come to you. Hintay hintay lang. Darating din ang para sa yo.

Mapapakinggan niyo sa Bandcamp ang kanyang debut album. Kung sawa na kayo sa mga kanta na paulit ulit ang tema, maaaring magustuhan niyo ‘to. Suportahan niyo rin ang mga proyekto na nilabas o ilalabas ng mga kagrupo niya. Sundan niyo lang ang kanilang Facebook page (Kalawakan Krew at LifeLinez). Saludo sa mga katulad ni Singleshot para sa pag-akda ng ganitong klaseng hip-hop!



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT