General

Second Sight 14 Ticket Resellers

Sa mga hindi pa nakakabili ng Second Sight 14, eto ang impormasyon tungkol sa resellers.

Anonymous Staff
April 16, 2025


Ang susunod na FlipTop event ay gaganapin sa Abril 26, 2025, at ito ay ang ika-14 na Second Sight. Babalik ang liga sa Metrotent Convention Center sa Pasig at may walong laban tayong masasaksihan. Bawat battle dito ay para sa unang round ng Isabuhay Tournament. Grabe yung torneo nung nakaraang taon, at kung titignan mo yung lineup ngayon, may potensyal itong tapatan o higitan pa yung 2024.

 

Sa mga wala pang tickets, pwede kayong mag-PM sa opisyal na pahina ng FlipTop sa Facebook para bumili. Eto naman ang mga opisyal na resellers: HIGH MINDS CLOTHING, BranDead, Meek and Chill Clothing Shop, KRWN., Black Manila, at ULAP Clothing. Magpadala ng mensahe sa kanila o bumisita sa mismong tindahan nila. Makikita ang kanilang mga address sa mga pahina nila. Kung may natira pa kayong budget, suportahan niyo rin ang malulupit nilang produkto.

Eto ang presyo ng pre-sale tickets: 850 pesos (GenAd), 1100 pesos (VIP), at 1500 pesos (SVIP). Malapit na maubos ang SVIP kaya kung yan ang nais mong kunin, bumili ka na ngayon. Bawat ticket ay may kasama nga palang isang libreng FlipTop Beer. Sulit na sulit, hindi ba? O, pa’no? Magkita-kita nalang tayo sa susunod na Sabado para sa isa na namang makasaysayan na event. Second Sight 14, mag-ingay!

Related Topics:
FlipTop Second Sight 14 tickets


MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT