Album

Alimpungatan


Sari-Sari Story
Gloc-9
Producer: Raimund Marasigan
2024

Intro:
Ayaw ko nang gumising pa

Chorus:
῾Di mo alam
Kung ga’no ako kasaya ngayon
Kung alam mo lang
Ikaw ang langit ko magmula noon
Dito na lang
Ika'y pupuntahan sa’n man naroon
Dahil ito lang
Ang pangarap ko na natupad (ngayon)

Verse 1:
Maliwanag ang sikat ng araw
Kulay asul ang langit
Sino ma’y walang makakaagaw
Iyong mga kamay ang kapit
Kahit ulanin man o umaraw
Kapag malayo ay lalapit
Dibdib ko'y nag-uumapaw
Kayakap ka, 'yan ang sagot sa bakit
Pero

Chorus:
Hindi mo alam
Kung ga’no ako kasaya ngayon
Kung alam mo lang
Ikaw ang langit ko magmula noon
Dito na lang
Ika'y pupuntahan sa’n man naroon
Dahil ito lang
Ang pangarap ko na natupad

Refrain:
Ayaw ko nang gumising pa
Pagkat ngayo'y kapiling ka
Ayaw ko nang gumising pa
Kapag ika'y kayakap na

Verse 2:
Dampi ng 'yong balat, init tuwing nasa 'king tabi
Madilim ma’y maaaninag mo ang aking ngiti
Halakhak ng tibok ng puso kong nakakabingi
Kaligayahang dala mo na hindi nabibili
Bukal ng labi mo lamang ang tanging makakapukaw
Kahit magunaw, natutunaw, lumulusaw ng uhaw
Ang halimuyak ng bulaklak mo, kahit walang pabango
Hinahanap-hanap ko pagka lasing sa alak mo
Kung alam mo lang ang siyang nararamdaman ko
Kapag ako'y tinititigan nitong mga mata mo
Walang lugar ang gustong puntahan, sa piling mo lamang
Malayo man o malapit, kahit ano pang iharang
Lahat ay kakayanin, bubuhatin sakin iatang
Ikaw ang ikinakatakot at hugutan ng tapang
Sa mga bisig ko ay iingatan, dito ka lang
Kahit ano pang bumangga, harap man o paharang
Mahulog man sa bangin ang kotseng sinasakyan natin
Galing Banaue, hinahawi, dumagan na buhangin
Hindi ako mumulat, ilang beses man na tawagin
῾Di bibitawan ang pangako na sinumpaan natin
Ako lamang mag-isa naisalba, walang iba
Bakit pa? Iiwan ka rin naman pala nila
Ayaw ko nang gumising pa, alam ko na wala ka na
Ayaw ko nang gumising pa sa katotohanan na...



OTHER LYRICS

Deadly Strikes of the 9th Grandmaster

Deadly Strikes of the 9th Grandmaster
Marcus Prolifik
2016 Single

B.A.D. (feat. P-Lo)

Sweet Nothings (Chapter 1)
Denise Julia
2023 Album

Bodega

Materyal
Shanti Dope
2017 Album

All Fuckin' Day

All Fuckin' Day
FCKND
2016 Single

Waste My Time

Act 1
Ez Mil
2020 Album

FEATURED ARTICLES