Album

Yakap


Sari-Sari Story
Gloc-9
Producer: Raimund Marasigan
2024

Verse 1:
Salamat at nand’yan ka pa
Kahit nag-alisan na sila
Di mo ako iniwan, hindi ka umalis
Di mo tinalikuran, hindi ka nainis
Sinamahan mo ako
Ngayong mag-isa ako
Walang-wala nang ilalaan
Dalang-dala, buti na lang

Chorus:
Binuhat mo ako no’ng 'di ko na kaya pang tumayo
Sa’king mga paa (Ah-ah-ah)
Niyakap mo ako no’ng ang buhay ko'y tila gumuho
Ayoko na

Verse 2:
Sa lahat ng aking mga nilapitan
Hindi ka lumayo, ikaw ang nakapitan
Ang tanging nasabihan ng lahat
Mga hinanakit ko na kagat-kagat
Buhat-buhat nila ang bigat, bakit ako lang ang may pasan?
Laging salungat sa mga inaasam-asam
Tibay mo ang siyang nagbibigay sa akin ng pag-asa
Tuwing pait na lamang ang natitikman na lasa
Sa buhay ko na madaya, sadyang mapanlinlang
Kalungkutan sa ligaya ang tunay na matimbang
Ang natitira na lamang ay ang kaisa-isang
Karamay, aakayin ka na walang katuwang
At hindi ka bibitawan kahit ga’no katarik
Maglalaho ang sakit pagkatapos ng halik
Wala nang bawian, pagkat 'di na pwedeng ibalik
Ang ibibigay ko sa’yo'y sadyang walang kapalit
Kahit masakit

Chorus:
Binuhat mo ako no’ng 'di ko na kaya pang tumayo
Sa aking mga paa (Ah-ah-ah)
Niyakap mo ako no’ng ang buhay ko'y tila gumuho
Ayoko na
Binuhat mo ako no’ng 'di ko na kaya pang tumayo
Sa aking mga paa (Ah-ah-ah)
Niyakap mo ako no’ng ang buhay ko'y tila gumuho
Kung meron lang iba

Outro:
Sinamahan mo ako
Ngayong mag-isa ako
Walang-wala nang ilalaan
Dalang-dala, dito na lang



OTHER LYRICS

Wala Akong Pake

Loob Ng Kabaong
Apoc
2017 Album

Dami Mong Alam

Dami Mong Alam
Skusta Clee
2015 Single

Hxndx Vkx Mvkvhxndx

Kvpxt Lvng Zv Pvtvlxm EP
Ce$ar Montana
2017 Album

Imperyo

Imperyo
Nero x Apekz
2022 Single

Duckin' ICE (feat. Rocky Rivera)

Sharpest Tool In The Shed
Bambu
2020 Album

FEATURED ARTICLES