Intro:
But in Davao I used to do it personally
And I go around Davao in a motorcycle
Hook:
Tugis
Ano pa mang tulis
Madulas man ang kutis
Sapul sa pagtugis
Verse 1:
Disoras ng gabi
Kulay purong kape
Tropang makapal ang porma
Harurot-motor sa pagronda
Toka-toka umattack
May pilotong lookout, back-up
May birador, may tagatiyak
May patagong nag-aambag
Hook:
Tugis (Tugis)
Ano pa mang tulis (Tulis)
Madulas man ang kutis (Kutis)
Sapul sa pagtugis (Tugis)
Verse 2:
Mga anino sa dilim
Kung magmanman maigting
Kulong sa ruta praningning
Pagtambang tumbang mahimbing
Takdang lugar sinusuyod
Hanggang lulong matunton
Paspasan lang sumusugod
Pagplakda, takas motor
Coordinated ang barangay
Mga CCTV’t ilaw patay
Mga tanod bumagal umaksyon
Sa timbreng oras at lokasyon
Hook:
Tugis (Tugis)
Ano pa mang tulis (Tulis)
Madulas man ang kutis (Kutis)
Sapul sa pagtugis (Tugis)
Verse 3:
May bangkay na tinataniman
May tine-tape, babala sa giyang
May tinatapong pahirapan
May sa lamay binabalikan
Pinapalitan kada bungo
Ilang libong pisong madugo
Buhay na buhay mga tropang
Hanap-buhay magnakaw ng buhay
Hook to fade:
Tugis (Tugis)
Ano pa mang tulis (Tulis)
Madulas man ang kutis (Kutis)
Sapul sa pagtugis (Tugis)
Outro:
Dati patago-tago lang nung nag-uumpisa palang ako ng pagpatay
Pero ngayon mas malakas na yung loob ko na
May back-up kang pulis
Tapos utos pa ng sa taas
Kaya hindi ka na matatakot na pumatay