Verse 1:
Marami ang nasilaw sa ideya ng larangan
Sa likod ng palakpakan, ang bayad ay barya lamang
Ang pag-ibig sa tanghalan tiyak walang hangganan
Pero kailangan kong kumain at ang renta kailangang bayaran
Buti na lang tapos sa pag-aaral kaya may sandalan
May pag-asang magpayaman sa banyagang bayan
May magandang bukas ngunit bago ito malasahan
Kailangan talikuran ang kultura nang sagaran
Ako ay nalatagan ng dalawang daanan
Isang lagusan na patungo sa kasaganahan
At isang kalsadang di tiyak ang aking kapalaran
Oras na upang makipaglaro kay kamatayan kaya…
Chorus:
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba kung sinong umukit sa mga guhit ng palad
nakita mo ba? (sino,sino,sino)
nakita mo ba? (sino,sino,sino)
nakita mo ba? (sino,sino,sino)
nakita mo ba? (sino,sino,sino)
nakita mo ba? (sino,sino,sino)
nakita mo ba? (sino,sino,sino)
nakita mo ba? (sino,sino,sino)
Verse 2:
Sunod na kabanata, bumuo ng panata
Kahit na hindi mayaman pinili kong buhay bilang makata
Wala bang pag-asa? Mali ang akala
Wala akong paki sapagkat kontrolado sarili kong tadhana
Sapagkat di na to pangarap lang, kaya lagi lang na palaban
Kilala ko sarili ko kaya klaro sa akin kung san dapat dadaan
Di tulad ng iba na takot makinig sa puso kaya parang tanga lang
Nagtiyatiyaga na mabuhay sa popular o komportable na paraan
Pero may pagsubok din talaga darating yan nang walang babala
Problema’y hindi mahalaga sa soluyon ako ay mas abala
Hindi pwepwede na madapa, pagka’t ang buhay nakataya
Bawal ang tamad at walang bayag, bawal magkalat
Higit sa lahat bawal ang magpabaya
Ugh! Bawat kataga nilalaan ko ang buong lakas at husay
Ugh! Bawat pagsampa ko sa entablado, para sakin ay tagumpay
Ugh! Kapalaran ay na sating kamay at ako mismo ang patunay
Ugh! Sa bandang huli, iba ang taong buhay sa tao na may buhay
Chorus:
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba na ako ang umukit sa mga guhit ng palad
Verse 3:
Ang pagtupad ng tadhana’y nagdedepende lang sa iyo
Kasagutan ay nasa puso’t kaisipan kaya naman dapat alamin mo
Matagal mo ng alam ang kapalaran mo subalit wag kang malito
Sapagkat iba ang alam ang tadhana sa aktwal na pagtahak nitö
Kaya kapatid ko mamili ka tuloy sa ratchada o sa gilid paparada
Buhay ay baraha. Di tiyak ang mabubunot pero pwede mabalasa
Lahat ng tinatamasa, ikaw lang mismo magbibigay pag-asa
Sapagkat ang tadhana ay naguugat sa pagpili ng malaya
Pagka’t sa mundong ito, hindi habang-buhay tayo mananatili
Sa pagtanda mo lang mapipitas ang bunga ng tadhana na napili
Bago humiga sa loob ng kabaong, dapat magsuri ka at itanong mo sa sarili
Ang laman ba ng mga alalala mo ay kagalakan o puro pagsisisi
Chorus:
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Nakita mo ba? Mga guhit sa palad
Outro:
Tignan mo ang mundo mula sa loob ng kabaong
Tumingin ka palabas tignan mo ang mga
Kaganapan mga karanasan
Para makita mo rin
Na matagal ka nang patay
Ganun pa man
Nung nakita mo ang dating mundong ginagalawan mo
Anong ginawa mo?
Lumaban kaba? O umilag?
Kumaliwa kaba? O kumanan?
Umabante kaba o umatras?
Nasasayo ang desisyon