Verse 1:
Anak, naknakan ng pait
Magtiis sa amo kong na malupit
Mapanggiit na para sa lang sa 'yo
Mabayaran para sa ating hiwalayan
Kalingain, alagaan ang pamilyang 'di pamilya ko
Kahit maghalo pa'ng balat sa tinalupan
Basta't may patutunguhan ang katas ng pawis at dugo
Sana 'wag mo sinasayang, sana'y wag mong hahayaang
Lumaking katulad ko ang 'sang katulad mo
'Di malimot ang mga luha mo
Gapos ng iyong munting braso sa aking binti
Pinipigil ang hikbi, hinihilang 'wag na lumayo
'Di mabubura sa bangungot ko
Ang tanong sa 'yong mata "sino nang matitira?
May nagawa bang masama? Ba't kailangan ma-abandona?"
Oo iniwan ka iyong ama
Pero kailanman hindi ng iyong ina
Pangako ito'y pansamantala, uwi ako agad
Nanangis ka't nakiusap, 'wag kang sumalangit
Dito ka lang sa lupa para 'to sa 'yo kaya paalam na
Chorus:
Para sa pangarap na ginhawa
Tiniis ko itong distansya
Upang sa gabi makatulog kayo (mahimbing)
Mainit na pagkain sa lamesa
Sakripisyong tiniis na hindi kayo kasama
Kumusta na kayo?
Kumusta na kayo? (Para sa ginhawa)
Kumusta na kayo?
Kumusta na kayo?
Verse 2:
Anong pinagka-iba ng mapagsamantalahan dito at d'yan?
Dito may sweldo
Gusto ko nang umuwi pero 'di mabuti
Balita sa amin, kelan darating pagbabago?
Kamusta na anak? Kamusta pag-aaral?
Kamusta si bunso? Bakit tila tumutumal?
Tila tumatamlay tawagan nati't pag-uusap
Wag magtampo, please, parang-awa, pakiusap
Anong bago anak? Naku mag-ingat ka diyan
Balita ko sa atin may tinira na naman
Anak, nandiyan ka pa ba?
'Wag mo, please, sabihing nawala ka na
Humalik sa sahig para pakawalan
Ng amo, lumipad libing mong dinatnan
'Di 'to pagbabago nais kong uwian
Pa'no naging tulak ang may kapansanan
Yayakapin kita kahit na duguan ka pa
Tulad nang ikay bagong silang ko pa lang
Hugas kamay silang nagsasabi
Na binoto ko to wala nang bawian
Repeat chorus
Outro:
Kumusta na? Ayos pa ba? (Para sa ginhawa)
Ang buhay natin, buhay pa ba?
Buhay pa ba? Kumusta na? (Para sa ginhawa)
(Para sa ginhawa)