Verse 1:
Kaming mga naiwan
Sa simula't sapul hindi na patas ang laban
Pasan ang kahirapan
Sa baba ng tatsulok nakatakip sa aming liwanag
Mga mahal naming kumayod
Tinuring ninyong makasalanan
Hindi pa ba sapat aming balat
Kinakagat ng sistemang pilit nag papahirap
Mga magulang na dapat retirado na
Mga apong kukupkupin saan ba pupunta
Kulang ang kikitain, kulang pang
Kanin, ulam, asin, paminta
Kahit hindi gusto
Tumigil na mga aral ang mga batang ito
Wala nang pang-tustos, kinuktya pang "adik 'to"
Nag luluksa na nga sa buhay na dehado, sa pasismo
Pre-chorus:
Kahit ganun pa man, tuloy pa rin ang laban
Iikot ang mundo kahit sa madugong daan
Ang araw ay sisikat sa gitna ng kadiliman
Hustisya'y darating basta hindi ito sukuan
Nakatayo kami't nanawagan
Buong komunindad nanawagan
Pagka't kung tanikala lang
Ang mawawala oras nang lumaban
Chorus:
Wag maliitin ang tapang ng maralita (Oras nang lumaban)
Pabagsakin ang halang na hari ng sistema
Paigtingin ang paglaban sa kasakiman (Oras nang lumaban)
Walang maiiwan, walang kolateral
Verse 2:
Pag sapit ng takipsilim, maraming sumisilip
Sa gitna ng dilim may liwanag nakabukas ang mga bisig
Mga inang nawalan ng anak, lumilibot para mag masid
At mapigilan ang pag danak ng dugo
Maiwasan na may karagdagang inang mag buburol ng kanilang anak
Kabataang umiiyak
Nag kapit kamay para may mabigay
Sa iilang pamilyang nasalanta ng giyerang walang saysay
Hindi man sapat, maitatawid pa rin
Kahit na maliit, may iaambag pa rin
Pagka't itong pasismo ang malaking salarin
Repeat pre-chorus
Repeat chorus (2x)
Verse 3:
Sa panahong ito
Hindi maasahan yung dapat nag lilingkod sayo
Sila pa nga 'tong nanunutok ng baril sa ating mga ulo
Ang buhay natin para sa kanila, isang negosyo
Mantsa ng dugo, malamang, atin ito
Komunidad ang inatake
Komunidad ang reresponde
Kung sa kanila ay numero lang tayo
Numero din natin ang lansetang gagamitn
Para makawala sa tanikalang
Nagpapahirap
Ang sakit ng isa, ay sakit ng lahat
Ang ramdam ng isa, ay ramdam ng lahat
Kaya sulong (Sulong!)
Tulong tulong sa ating pag bangon
Damay-damay damayan
Ang mga kapatid nating naiwan
Kanto por kanto, ulo por ulo, ang laban na ito
Bilang isang komunidad tara na't oras nang tumayo
Repeat chorus