Hook (Calix) (4x):
Laban mga tambay
Lagpasan mga hamon ng buhay
Verse 1 (BLKD):
Teka teka teka lang sir
Di naman sa pag ma-ma-ma-marunong
Pero makatwiran at makaturangan na ba
Ang simpleng pag tambay humantong sa pagkakulong?
Tambay nga diba? Walang ginagawa
Walang ginagawang masama
Konting kwentuhan, konting inuman
Pang raos man lang sa bangis ng lipunan
Sa dinami-dami ng mga kriminal
Ng mga may mga ginawa nang illegal
Kami pa talaga ang una ninyong sinala
Pwede na bang ebidensiya ang hinala?
Sa mga kaso, gawa-gawang atraso
Kitang-kita, quota-quota lang ang panggagago
Sa gan'tong kaayusan, walang panalo
Dumarami ang tambay pagka't walang pagbabago
Repeat hook
Verse 2 (BLKD):
Aming barong-barong diba sobrang liit?
Kung doon mag-lalagi, sobrang sikip
Mga tropang gipit, sa labas pumipwesto
Pagka't mas sumasaya kapag pumipresko
Nasan na mga parke't mga silid aklatan?
Mga abot kayang tambayan ng taong bayan?
Nasan ang edukasyon para sa lahat?
Nasan ang mga trabahong nakakasapat?
Sa buhay anong patunay ng aming sungay?
Kahirapan ang problema, hindi lang basta kulay
Wala ngang ginagawa, diba literal?
Hulihin niyo mga tunay na kriminal
Bridge (Calix):
(Oh yeah)
Kami nanaman ang ginawang palusot ng gobyerno
Bakit ba palaging mahihirap ang nagiging biktima ninyo?
Imbis na tulungan niyo kami, dinakip at pinosasan
Sa loob ng selda binugbog sabay tanggi sa kamatayan
Bridge (WYP) (2x):
Mga tambay kami pero bakit kami
Ang nagiging target ninyo?
Repeat hook (6x)