Verse 1:
Daan-daang taon sa pagka busabos tayo'y naka baon
Mula nung panahon
Ng mga banyagang mananakop
Magpa-hanggang sa ngayon
Nagbabago lang ang kulay ng kahon
Tayo'y nakulong dukha at gutom
Hangga't naka anggat mga buwan naka baron
Pag-unlad ay paurong o gumagapang paahon
Masdan manipulado ang kaayusan
Para magsilbi sa nag haharing iilan
Pinag kakaitan tayo ng kaunlaran
Pagka't puhunan nila ang ating karukahan
Sa kanila tayo ay mga pyesa lamang
Ng makinang tiga likha ng kanilang yamang
Labis-labis
Makinang langis ay ating pawis
Sinong mayayaman
Sila-sila lang
Sinong namumuno
Sila-sila rin
Tayo'y naghahati sa tira-tira lang
Habang yaman ng bayan ang kanilang piging
Sinong namumuno
Sila-sila lang
Sino yumayaman
Sila-sila rin
Tayo'y binuburo sa panlilinlang
Sagabal sa pagsulong dapat gibain
Verse 2:
Walang kapaguran
Tayo ang babago sa sumpang kaayusan
Papandayin ang mga patakaran
Upang pantayin ang mga kalakaran
Walang pag mamalabis sa ating paghakbang
Panawagan lamang ay mga karapatan
At kaunlaran makatarungan
Dama sa kalunsuran at kanayunan
Matagal na tayong nakikiusap
Mga bingi-bingihan dapat nang itulak
May hangganan ang lakas ng batikos
Dapat may sama-samang pag kilos
Demokrasya ay isabuhay
Maka-nakararami ang diwang tunay
Hindi ibabalik ng mga gahaman
Ating nang bawiin ang kapangyarihan
Ito'y digma laban sa kagutuman
At kahirapan
Ito'y digma laban sa pagkakait ng mga karapatan
Ito'y digma laban sa sa pambababoy sa pamahalaan
ito'y digma laban sa pagsasamantala sa sambayanan
Chorus:
Inalay man ang buhay mananatili ka sa aming puso
Ala-alang patunay ang sumugod at lumaban
Ay patuloy mag-aalab ang sulo
Refrain (16x):
Mga kapatid, sugod! (Sugod!)
Repeat chorus