Hook (2x):
Tahimik lang, uh, tahimik magmasid
Sa gilid ng, uh, sa gilid ng silid
Akala mong nilalamig, ang di mo lang nababatid
Ang katahimikan ko ay mas meron pang hinahatid
Verse 1:
May pagdiriwang, yeah, at meron piging
Ako’y naiwan lang, uh, dito sa dilim
Ngunit wag umiling, ako’y hindi bitin
Mas kita’ng bulalakaw kung walang liwanag paghiling
Nandito lang, nakasilong lang sa ilalim ng mga anino at
Sa ikot ng sumasayaw na ilaw, malinaw
Ang mga labing animo’y nanliligaw sa mga hikaw
At kwintas na sumisilaw
Sa mga mata na nakasara
Ano talaga, yaong halaga ng kumikinang na maskara
At ang papel na lamang ng papel ay kaunting barya
Kaya’t di bale na kung saang daan
Ang tahakin ng mga dilang di nga matandaan
Pangalan ng isa’t isa sa kawalan hanggang
Nagpalamangan na lamang mga walang laman
Repeat hook
Verse 2:
May pagdiriwang at sino-sinong imbitado
Paikot-ikot mga tao, desperado
Mausok, delikado
Na para bang kuta ng sindikato
Nakakapanibago ba?
Sa hinaing panghimagas ay walang kabusugan
Kung nasanay ka sa ingay at walang katuturan
Di makuha kada letrang walang kabuluhan
Malamang kapag nabitay ay walang kahulugan
Kaya’t di bale na kung hindi man kilala
Kung di kita, kalkulado ang lahat at bihasa
Kung hindi umiimik, kalmado paghinga
Sukat ang salita kung sinusulat lapida
At di magbibida, sa bawat sirkulo
Ako’y kuntento na maging tahimik
Di ang sentro ng bilog ang bumubuo nito
Kundi ang guhit na nakapaligid
Repeat hook
Outro (2x):
Tahimik lang... magmasid
Sa gilid ng... ng silid
Akala mo... binabatid
Ang katahimikang... hinahatid
Tahimik lang... magmasid
Sa gilid ng... ng silid
Akala mo...