Hook (2x):
Puso’t, utak
Puro usok, lusak
Kada hugot, tulak
Kada subok, sugat
Verse 1:
Ika-ilang gabi nato?
Pera na naging bato
Ngunit di ‘to tatayo
Oo, di ‘to lalayo
Susubukan pang bumawi at panalo’y lalago
Yaan mo, malas ko ay maglalaho
Gandahan mo na lamang ang pagbalasa
May pag-asa sa baraha, tignan mo...
Dos na puso at syete na pala
Lang hiya, eh di linlangin natin sila, akin na
Itutulak ang lahat sa may gitna
Tignan natin kung sino ang papalag
Sinong lalapag, at kung ito ba ay tatalab
Dahil kung hindi, malamang sunog ako
Patong-patong di lang utang, sapagkat may patong ulo ko
At swerte pa kung ako ay makapagtago
Malamang hahandusay dun sa may damo
Repeat hook
Verse 2:
Ika-ilang gabi nato?
May bangkay na naman ba sa may damo? Ha? Ha?
Ano kaya ang tinamo? Anong kaso?
May bulungan sa likod ng dilaw na laso
Sakto, tama nga pero tama na’t
May trabaho pa’t baka mahuli sa pagpasok
Makaltasan pa ang sahod, sayang pagod
Bilisan ang lakad nang masimulan ang pagkayod
Sa eskinita kung saan nararapat akong nakapwesto
May lansetang nakaterno
Sa titig kong hirap na makaderetso
Ngunit yan ang kwento, walang pagpipilian
Pano titigilan, buo man o sukli
Dahil kung nasa huli ang pagsisisi
Malamang, hindi pa to huli
Repeat hook
Verse 3:
Ika-ilang gabi nato?
Hatinggabi, naglalako pa ako ng kung anu-ano
Mga paruparo sa sikmura
Sinikmura para mura ang hapunan
Tatabunan ng pagod ang gutom
Ng gutom ang uhaw
Ngunit di matutunaw
Ang mga butong sa laway di malulusaw
Oo, di magugunaw
Kahit na umuulan, puro lusak ang daan
At usok galing sasakyan, ay aking sasakyan
Ang bawat alon hanggang may makita
Sa bawat eskinita, uy halika
Nang madagdagan naman ang bente kong dala
Uy kilala ata kita, pamilyar ka rin pala
Sige hingi ka pa ng tawad, ibababa ang presyo
Teka ano yan, ako ito si Berto
(Patawad)
Outro:
Ika-ilang gabi na to?
Narinig mo na ba to?
Paulit-ulit ba ang tema
Ang problema ay paulit-ulit din naman
May guhit ang lahat, malamang
Konektado ng sinulid ang lamang-loob
Ng mga naghihikahos, mga boses ay paos
Sa sigaw na di nga marinig
May busal pa sa bibig, at mata’y nakapiring
Pagod na sa katotohanan para humiling
Pagod na sa katotohanan para humiling
Pagod na sa katotohanan para humiling