Verse 1:
Matagal-tagal, tagal, tagal, tagal, tagal
Tagal, tagal, tagal, tagal na ‘to
Pasa-pasa ang natamo
Daan-daan ang naabo
Ang pagnakaw ay tahasan
At hindi nga patago
Ano ba to, nasanay na may patalim
Humahalik sa lalamunan
Padiin nang padiin
Ngunit di kinatatakutan
At ang pinagsasaluhan, sinaboy na barya
At sila’y kabig lang nang kabig, di na matantya
Kung ilan ang nakalaan
Para sa mamamayan
Paano mawawakasan
Walang bigat nakaraang
Mga kaso, kawalan
Di na kaso, palagan
Aminadong protektado kaya’t di makalagan
Magkasalo sa palasyo, magkaramay
Batuhin mo ng bato
At gagamitin sa pabahay
Sa lupang sinilangan
Siksikan na ang tupa
Aliping namamahay
Na may bayad pa ang upa
Hook (2x):
Habang tayo’y di makahinga
Sila’y nagtanggal ng maskara
Inuuna ang sarili
Habang tayo’y nagsumikap sa wala lang
Habang tayo’y di makahinga
Sila’y nagtanggal ng maskara
Ang distansyang nanatili
Ay sa gitna ng mahirap at mayaman
Verse 2:
Matagal-tagal na to, mga daang baku-bako
Mga mata’y batong-bato
Sa imahe na may bakal
At sa byahe na mabagal
Na imbis na maging susi ay piniling sumagabal
At ang aral?
Ang barong at ang kurbata nagsilbing kautusan
Ang problema, sabog ata, lahat ay naguluhan
Kung daan ay may kurbada di kita katapusan
Na parang bakunawa sa gitna ng tag-ulan
Walang liwanag, paliwanag
Kung sino-sino tinatawag, dinadarag
At di raw dapat na sinasala
Sapagkat buhay ka pa, ikaw ay pinagpala
Ang sabihing matatapos to
Ay kasinungalingan
Bawal ang hawak-kamay
Kaya merong maiiwan
At kung bingi ka pa
Marami na ang umaawit
Dahil ang konting-tiis
Napakalaking pasakit
Repeat hook