Halina't kilalalin ang nag-rerepresenta ng leftfield hip-hop sa Mindanao. Ito ang storya ng Kalawakan Krew!
Marami mga artist ang sumasabay sa uso para mas makilala sa eksena, pero maipagmamalaki ng grupong ‘to mula Davao na hindi nila kailanman binago ang istilo nila. Nakilala sila sa kanilang mga madilim na tunog at abstract na lirisismo. Kung karamihan ng mga emcee ay nag-rarap tungkol sa love life, party, o buhay sa kalye, sila naman ay gumagawa ng mga musikang tungkol sa iba’t ibang dimensyon at planeta at mga extraterrestrial na nilalang.
Kinausap namin ang isa sa mga miyembro na si Psykadelik upang mas mamulat kayo sa grupo na ilang taon nang nag-rerepresenta ng Leftfield hip-hop sa Pilipinas. Kilalanin ang Kalawakan Krew dito sa bagong edisyon ng Crew’s In. Enjoy!
1. Kailan at paano kayo nag-simula at sinu-sino ang mga kabilang dito?
We started siguro, on, before or after ng Deserted Beings EP.. haha.. hindi ko kasi matandaan kung bakit nabuo tong grupo nato. Siguro nabuo lang kami ng dahil sa mga lyrics namin na pang extraterrestrial at sa mga ayaw sa amin dati na laging tingin sa amin na parang alien sa buong Davao. Most of the crewmates, tropa lang. Singleshot, Villainous Villain, Silent Effect, Blackleaf, ako, Snob, Dopee at Gin tapos recently sina Dosage, Dave Ill at Lumad.
2. Bakit Kalawakan Krew ang napili niyong pangalan? Ano ang ibig sabihin nito?
Si Dopee ang dahilan kaya naging Kalawakan Krew ang pangalan ng grupo kasi kapag may binabalita sa amin na masama laging ganun ang tinatawag sa buong tropa at kaya siguro inaccept nalang din na Kalawakan Krew nang dahil nalang din kasi sa abstract approach ng lyrics which is kakaiba sa lahat ng emcees sa buong siyudad.
3. Sinu-sino ang mga impluwensya niyo bilang grupo?
Philippine influences: Pamilia Dimagiba, Andrew E., Francis M., BB Clan, Kruzzada, Death Threat, Oblaxz, Chinese Mafia, Masta Plann, Ghetto Doggs, Sun Valley Crew, Syke, A.M.P.O.N., Stick Figgas (first album), Down Loud Crew (idol) atbp dami dami nila. Lastly, TEDDYBARS! hahaha.
Foreign influences: Wu tang Clan, Rhymesayers, Anticon, The Roots, Army of the Pharaohs, Nas, Rakim, KRS ONE, JEdi Mind Tricks, Aesop Rock, Deep Puddle Dynamics, etc.. marami din sa kanila.
4. Ano ang hangarin niyo sa eksenang ‘to?
Hangarin? Uh? Meron ba? Siguro spreading our abstract lyricism at siyempre to let their heads explode on how we use letters turn into moving pictures inside their motherfuckin' dome piece na mapapaisip sila na "yawaa sa mga gago uy!" hahaha!
5. Sa dami ng mga grupo sa larangan, ano sa tingin niyo ang pinagkaiba niyo?
Pinagkaiba namin sa lahat is yung music namin na hindi sumusunod sa kung anong uso ngayon. Not saying na ang trap or whatever to compare ours na hindi good ang kanilang music but what I'm tryin' to say is walang nagbago sa aming penmanship unlike others out there.. then was lyrical but now talking about beers, bitches, and other fuckin' wack shit! Still, respect to them.. bahala sila sa buhay nila.. haha
6. Anu-ano na ang mga proyekto na nilabas niyo?
Recently lang nagrelease ang first album namin as Kalawakan Krew entitled Astral Odyssey.
7. Ano ang mga plano (solo o bilang grupo) niyo sa mga darating na buwan o taon?
Plano? Hopeyfully masundan ang Astral Odyssey, if any chance will be given to us.. Ako at si Singleshot may pinaplano na solo projects which is soon pa. Lifelinez "Exiled" coming soon din pero ewan ko lang kung kelan matapos tamad kasi kami minsan. Si Dosage kasi yung may pinakamalaking bakenta oras palagi kaya may surprise release siya. Haha
8. Sa pananaw niyo, ano ang estado ng Pinoy hip-hop ngayon?
Hip-hop is expanding, especially na may internet na throughout the world. Mas lalong dumadami ang mga hip-hop ngayon where 2 out of 10 may magstandout talaga na masasabi kong "tanginang rookies 'to, sila ang next generation".
9. Ano ang maipapayo niyo sa mga grupong nag-sisimula palang?
Sa nagsisimula pa lang.. never stop what you guys doing.. and of course make the best out of it.. yung pinakamalakas niyong magawa na mga verses or should I say track kasi at the end of the day someone will look up on y'all and will treat you as one of the legends, so do your thing! You're very ill shit!
10. May mensahe ba kayo sa mga taga subaybay niyo?
Tagasubaybay? well, kung meron man, patuloy pa rin ang byahe namin hanggang sa makadiskubre kami ng ibang sansinukob at dimensyon!
11. Ano ang tingin niyo sa mundo ng battle rap?
Battle rap is just a tiny portion of the culture where you can showoff other rappers how you obliterate the other one which you think is weaker than yourself and it's like a battleground for those beef to be squashed or burn down bridges.
12. Ano naman ang payo niyo sa mga battle emcee na nangangarap makapasok sa FlipTop?
Well as for all of y'all na gusto pumasok, do your thing lang. Siyempre, pag hindi ka nakapasok ibig sabihin di ka pa umabot sa kalidad ng pagiging emcee. Mag ensayo at paghusayan mo lang ang mga ginagawa niyo para qualified kang makapasok sa industriya ng FlipTop! Yun lang!
Hindi man sila patok sa panlasa ng karamihan, patuloy pa rin silang gagawa ng mga matatalinghagang kanta. Saludo sa buong Kalawakan Krew sa walang kompromiso nilang istilo. Bihira nalang tayong makarinig ng ganito. Bisitahin niyo lang ang kanilang pahina sa FB para maging updated kayo sa mga gig at proyektong ilalabas nila.