Verse 1:
Aabangan na nila ang aking lyrisismo
Bababa mula sa langit na parang si Kristo
Kakayanin ba nila ang mga kritisismo
Darating mula sa isang lirikong obispo
Eto ang sagot sa mga nagtatanong
Gagawin na ang lahat wag lang tayo paurong
Hahabulin ang karera sa mundo ng ulupong
Itaya niyo na sa akin ang lahat basta ganon
Lalamunin ng buhay ang mga letra sa libro
Mamaya na huminga mabubulanan lang kayo
Napasubo, sa mga konseptong ganito
Nganga na naman kayo, wag kayong malilito,
mga Obra ng maestro gamit ang pagsalita
Pagkatapos pinaagos dumadaloy sa tinta
Ratsada na mga kasamang bwitre at daga
Sama samang Tatalunin ang mga bUWaYa
Chorus:
Aba aba kada banat ng mga bara
Lumalabas ang letra
Abakada bitaw nakalapag lahat sa mesa
Tinulak ng serbesa
Mula uno hanggang umabot na sa may sisenta
Aba aba kada kumpas ako’y makata
Aba kada talata
Aba sa kada sulat magmula sa pagkabata
Hindi namamayapa
Sinabi ko na yata
Aba kada sigaw ng tinubuan kong panata
Abakada…
Verse 2:
Aalisin natin ang akala ng iba
Babasagin ng Bathala ang balakid sa mata
Kalayaan, ang sigaw ng aking kataga
Dadalhin kayo sa ilaw, walang mangangapa
Eeeh bakit ba ganon nasanay tayo sa dilim
Ganyan tayo magaling, hatakan pailalim
Hanggang lahat na tayo ay napapapapraning
Iniiwas ang tingin sa mga papapating
Lalangoy sa tulin, aahunin ko lahat
Mamasilyahin ang lamat ng kagat sa balat
Nasa akin ang kidlat,
Ngayon umaangat
Oras nang ilabas ang kontrabida kong ganap
Para para pare, paki preno pwede please?
Ratratan na mga kasamang ipis at galis
Sasabugan ng mga barang walang tapon at panis
Talata ko’y Unos Wagas sa Yaman at tamis
Repeat chorus
Verse 3:
Yayakapin ang sariling pluma at papel
Wagayway nitong watawat na walang dumiskarel
Umaasa sa anghel, buhatin tayo’t lumipad
Tatahakin natin ang bundok ng pag-unlad
Sama-sama sa ginhawa, kapit-kapit sa sakit
Raranasan ang paghirap kung ginto ang kapalit
Papasukin ang pahamak, maiitim na balak
Oo lang nang oo, sige sabak lang nang sabak
Ngayon ang pagkakataon, wala nang papalag
Nalagpasan na ang kahapon at ang kamandag
Mamalasin ang mga mistulang ahas gumalaw
Lalamunin ko ang araw, sabay utak ang sabaw
Iikutan ang planeta ng mga letrang kong anak
Hahatakin ang mga pwersang nakaukit sa aklat
Gagamitan ng lakas lagpas sa kulay ng balat
Eentradang may Dalang Katas ng Bayan kong Angat
Repeat chorus