Hook 1:
Gigisingin ng kulog ang mga sadyang tulog
Yayanigin ang paligid, ang sahig mangangatog
Kaluluwa’y inaalog, utak kinakabog
Pag dumapo na sa lupa ang bakas nitong tunog
Gigisingin ng kulog ang mga sadyang tulog
Yayanigin ang paligid, ang sahig mangangatog
Kaluluwa’y inaalog, utak kinakabog
Pag sumabog ang mundo, kami ang unang nagsunog
Verse 1:
Mula sa mga ulap, bababa at nanggugulat
Ang kidlat na parang sugat sa balat nilang makunat
Sabay sunod itong tunog ng giyerang gumugulong
Pampagising sa mga nananaginip na marunong
Dumadagundong, lumalakas sa bawat hulog
At tagos hanggang buto ng mga ulong natutulog
Hindi pa rin bumangon, manhid sa mga alon
Walang paki basta sariling lang ang inaahon
Naiwan sa kahapon at hindi na umabante
Umaasa sa wala, panay reklamo ng maarte
Hanggang mabulag sa mga basurang nasa kalye
Eh wala nang mangyayari kung pikit ka lang palagi
Puro komportable, pwes kami ang bubulabog
At magpapasabog ng lakas, walang alam na pagod
Hagod ang tunog sa mga utak na sarado
Mga makunat at barado, aalugin ng pagbabago
Hook 2:
Gigisingin ng kulog ang mga sadyang tulog
Yayanigin ang paligid, ang sahig mangangatog
Kaluluwa’y inaalog, utak kinakabog
Pag dumapo na sa lupa ang bakas nitong tunog
Gigisingin ng kulog ang mga sadyang tulog
Yayanigin ang paligid, ang sahig mangangatog
Kaluluwa’y inaalog, utak kinakabog
Pag sumabog ang apoy, kami ang unang nagsunog
Verse 2:
Ito ang babayo sa nagbabalat-kayo
Magkakalat nitong lagim sa mga peke at bano
Walang hatid sa entablado, mga may-ari daw kuno
Pero pag hawak ang mikropono, sa akin ang mundo
Tawagin ang delubyo, tropa dito lang kayo
Wawasakin naFn ang gabi sa ingay at gulo
Hamakin ang lahat pagkat sagad hanggang buto
Ang mga titulong hiram ng mga idolong hilo
Walang malilito sa mga talang may hiwaga
Sa taas nakatingala, kaya lahat ay nakahilata
Naghihintay biyaya, tamad sa pag-alaga
Kaya ko pinababa ang mga dragon sa may hilaga
Sunod sunod sunog, sabay kulog ang siyang tatama
Walang makakatago pag tumawag ang kampana
Nalilito silang mga nagbibilang ng tupa
Umumuupa lang sa buhay, pero tulog ang inuna
Repeat hook 2