Verse 1:
Habol lang nang habol lang nang habol lang nang habol
Bumabangon, kumakayod, natutulog, bumabangon
Tumataya ng pagod, tumataya sa ahon
Sugod lang nang sugod, tumatakas sa kahapon
Sabay alon lang nang alon lang nang alon lang nang alon
Nababaon si manong pag nagpatong patong patong
Ang bigat ng bawat araw na tinapon tapon tapon
Pero sige lang umahon at padayon dayon dayon
Sa paghamon sa paghamon ng lipunan at sarili
Sa bango ng lasong pangako ay huwag mawili
Angkinin ang nararapat, tablahin dapat mawasak
Mag-aral, magsumikap, magpalalim, magpalawak
Magpahatak sa ibabaw ng problemang kumakalat
Todo sabak, kumayod basta may pera sa palad
Sige banat lang nang banat kahit kulang na sa amat
Balang araw umaasa na lilipas ang habagat
Chorus:
Mataya mataya-taya (sino ba ang...)
Mataya mataya-taya (sino na ang...)
Mataya mataya-taya (sino pa ang...)
Mataya-taya wala namang napapala
Mataya mataya-taya (sino ba ang...)
Mataya mataya-taya (sino na ang...)
Mataya mataya-taya (sino pa ang...)
Mataya-taya wala nang kadala dala
Verse 2:
Sige lang tuloy tuloy tuloy ang pagtanaw
Araw araw ay habulin nang may tulin at galaw
Sabay huni at sayaw, kapag naka-tiyempo
Preno, sabay sentro sa engkwentro
Iwas lang sa kwentong imbento, patay
Sa malisya ng mga akalang henyo, aray
Magsuri, di porke’t may pwesto, sakay
Magsanay, huwag masanay sa disenyong sablay
Sumakay sa andar, sanay sa habol at paghuli
Preno lang sa pagkamuhi sa hindi natin ka-uri
Pero pag bumangga, lalo pag sumagasa
Matutong umabante laban sa mga pasasa
Chorus:
Mataya mataya-taya (sino ba ang...)
Mataya mataya-taya (sino na ang...)
Mataya mataya-taya (sino pa ang...)
Mataya-taya sumusugal sabay wala
Mataya mataya-taya (sino ba ang...)
Mataya mataya-taya (sino na ang...)
Mataya mataya-taya (sino pa ang...)
Mataya-taya ano pa bang itataya?
Verse 3:
Sumugal-gal-gal-gal galingan mo na
Mga linya ng limitasyon ikaw ang magbura
Mga ligaw matitira, silang naiwan sa abo
Silang mga nagduda sa lakas ng ‘yong bayo
Kaya ngayon pakita mo
Ang taas ng ‘yong tayo
Ang taas ng ‘yong talon
Upang mga tala’y matamo
At sa alay
Na dugo
At mga kalyo
Sa paa, ma
Matira
Matibay
Pagka’t
Mataya-taya
Chorus:
Mataya mataya-taya (sino ba ang...)
Mataya mataya-taya (sino na ang...)
Mataya mataya-taya (sino pa ang...)
Mataya-taya wala namang napapala
Mataya mataya-taya (sino ba ang...)
Mataya mataya-taya (sino na ang...)
Mataya mataya-taya (sino pa ang...)
Mataya-taya ano pa bang itataya?
Mataya mataya-taya (sino ba ang...)
Mataya mataya-taya (sino na ang...)
Mataya mataya-taya (sino pa ang...)
Mataya-taya ano pa bang itataya?