Album

Anino


Fatigue
Assembly Generals
Producer: Assembly Generals
2019

Verse 1:
Nakapaligid ang mga anino
Sa mga gilid sumisilip at umi-istilo
Kung sino-sinong mangangatay ang kalaban dito
Naka-abang sa may timbangan ng por kilo-kilo
Matatalim ang mga salita
Na kung sabihin ay palihim na tumataga
Pinatingin lahat ng kawal dun sa kaliwa
Habang kumalat ang dilim nila sa kabila
Mga aninong sa papel pumiling lumagay
Palipat-lipat ng kamay, walang makasabay
Panay sa bala at pangalan lang sumasakay
Kaya tuloy ang hanapbuhay ng mga pilay
Mga aninong nasa sulok lang nagtatago
Sa ulo at sa isip natin ay naglalaro
Nililibang ang mga bata at naglalako
Ng mga pangakong inakala nating totoo
Kaya totodo na ako, ang hari ng liwanag
Mulat-mata at umiilaw nang walang patawad
Malayang init ang hatid at may walong kagawad
Walong espadang bumabaga sa bilog na palad
Ako ang kataas-taasang di matitibag
Dala ang ilaw sa gitna nitong puting dilag
At masisilaw ang dilim, hindi na papalag
Mga aninong humahatak saking paglipad
Ako ang araw ng bagong umaga
Ako ang araw ng bagong umaga
Ako ang araw ng bagong umaga
Ako ang araw ng bagong umaga
Ako ang araw ng bagong umaga

Verse 2:
Nakapaligid ang mga anino
Pasikot-sikot sa pag ikot at nakakahilo
Kanino tayo kumakapit ang tanong ko dito
Walang espasyo ang umaga sa pumaparito
Matatamis ang mga salita
Inaalipin sa pabitin ang maralita
Pinatikim lahat ng ngipin at mga mata
Kaya sumiping sa dilim ang pagtingin nila
Mga aninong nasa gilid lang gumagalaw
Hindi makita-kita ng mga tumatanaw
Sa mga utak tumutulak at sumasabaw
Kaya tuloy ang kayod nating mga kalabaw
Mga aninong kumakapit at sumusunod
Panay ang lapit sumasabit at umuugod
Silang mabagal puro angal at nanonood
Kahit di gabi lahat ng kulay ay nilulunod
Kaya nandito na ako ang may hatid liwanag
Bukas ang palad umiilaw nang walang patawad
May bagong tapang at may laban na handang ibayad
Hanggang hamunin ang paghangin ng itim na dagat
Ako ang kataas-taasang di malalaglag
Tuloy-tuloy ang alab at wala nang sasalag
At matutunaw ang dilim, hindi na papalag
Mga aninong sumusubok at sumasagad
Ako ang araw ng bagong umaga
Ako ang araw ng bagong umaga
Ako ang araw ng bagong umaga
Ako ang araw ng bagong umaga
Ako ang araw ng bagong umaga

Outro (2x):
Nakapaligid ang mga anino
Sa mga gilid sumisilip at umi-istilo
Nakapaligid ang mga anino
Pasikot-sikot sa pag ikot at nakakahilo



OTHER LYRICS

Filipino Hustla

Filipino Hustla
D-Coy and Zargon
2018 Single

On My Way

Yours Truly
Kris Delano
2024 Album

Sunggab

Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
2013 Album

Freestyle

Undivided Attention
Audible
2006 Album

Prinsesa

Prinsesa
Princess Thea
2018 Single

FEATURED ARTICLES