Album

Ligaw (Assembly Generals)


Fatigue
Assembly Generals
Producer: Assembly Generals
2019

Saan ba tayo papunta? 
Saan ba tayo papunta? 
Saan ba tayo papunta? 
Saan ba tayo papunta? Naliligaw
Saan ba tayo papunta? Naliligaw
Saan ba tayo papunta? Hindi makagalaw
Saan ba tayo papunta?
Saan ba tayo papunta?

Kaibigan
Eto na naman ako nag-iisa nawawala sa kadiliman
Sinasapian ng kalamigan
Sarili ko na naman ang aking katitigan
Hinahanap ang landas
Aabante ba o atras
Pakitang gilas sa pagkaripas
Hindi pa rin naman ako maka-alpas
Hinahabol-habol ang mga ilaw na kumukuti-kutitap
Mga ginto't pilak ng pagsikat nilang nakakasinat
Nabibinat, bumubula ang dugo at mga kasu-kasuan
Paikot-ikot ikot ikot ikot sa kaguluhan
Saan?

Naliligaw
Saan ba tayo papunta? Naliligaw
Saan ba tayo papunta? Hindi makagalaw
Saan ba tayo papunta?
Sa walang hangganan
Sana naman ako'y matulungan diyan
Naliligaw
Diyan ba tayo papunta? Naliligaw
Saan ba tayo nagsimula? Hindi makagalaw
Nalalabuan na ako
Nako nakupo dahil sa iyo tumatakbo kung saan
Saan ba tayo hahantong
Paabante pa ba o paurong?
Pwede ba kong magtanong
Hanggang kailan pa ba tayo nakakulong?
Dito sa karera ng salita at pera, giyera giyera
Nakapatay na ang gasera, walang bawal at pwera pwera
Pero puro tayo himas
Umiilag at umiiwas
Tinatakasan ang mga problema't inaasahang ito'y lilipas din
Nakayakap sa patalim
Nakasanayan ang kadiliman sa paligid ng mga walang makakapitan
Di mo na mabilang-bilang yan

Naliligaw
Saan ba tayo papunta? Naliligaw
Saan ba tayo papunta? Hindi makagalaw
Saan ba tayo papunta?
Sa walang hangganan
Sana naman ako'y matulungan diyan
Naliligaw
Diyan ba tayo papunta? Naliligaw
Saan ba tayo nagsimula? Hindi makagalaw
Nalalabuan na ako
Nako nakupo dahil sa iyo tumatakbo kung saan



OTHER LYRICS

Timezones

No Saints Under Palm Shade
MANILA GREY
2017 Album

Paglisan (feat. Yumi)

Paglisan
Flict-G
2014 Single

Pards at Mards

Pards at Mards
Ives Presko
2012 Single

Ipagpatawad Mo (feat. Dzing Macanaya)

Ako Si…
Gloc-9
2005 Album

Ganid (feat. Ron Henley)

Ganid
Loonie
2018 Single

FEATURED ARTICLES