Verse 1:
Madalas ka bang nag-aalangan
Kung maalwang buhay ay makakamtan
Kung magandang bukas ay madaratnan
Kung makatarungang kaunlaran
Ay mararanasan pa ng mga tulad mo
Karaniwang tao
Mga kayod-kabayo, wala mang trabaho
Mga tila pinagkaitan ng pagbabago
‘Ka mo, ginawa’t ginagawa nyo ang lahat
Buto’t bala’t banat ‘di pa rin makasapat
Pa’no aangat, ultimo pangkain ay salat
Wala nang mapasukan hahamakin pang tamad
Pwes dapat maunawaan mo
Hindi lang ikaw ang nagkakagan’to
Krisis – sa buong bayan nakadagan
Kayang wakasan basta’t laging tandaan
Chorus:
May! Pag! A! Sa!
May! Pag! A! Sa!
Verse 2:
May mga problemang
Partikular sa bawa’t isa sa atin
Pero may mga problemang
Panlipunan, pasan-pasan nating
Lahat, kaya’t dapat maunawaan
Pagbabagong pansarili lang ay may hangganan
Kaya’t magsikap man, hangga’t pareho lang
Ang sistema, pag-angat ay kulang-kulang
Makatwiran lang na magtulungan
Upang mga hakbang ay gumaan
Nasa pagkakaisa ating kapangyarihan
Kabayanihan ating pagbabayanihan
Kaya’t tandaan ang kapalaran mo
Nakaugnay sa mga kababayan mo
Krisis – sa buong bayan nakadagan
Kayang wakasan basta’t laging tandaan
Repeat chorus
Outro:
May makabuluhang
Pagbabagong
Aanihin basta’t
Sama-sama