Album

Kawal (feat. KJah)


Gatilyo
BLKD x UMPH
Producer: UMPH
2015

Intro:

Kawal ng Kultura! (Alagad ng Sining!)

Kawal ng Kultura! (Alagad ng Sining!)

Kawal ng Kultura! (Alagad ng Sining!)

Kawal ng Kultura! (Alagad ng Sining!)

 

Verse 1 (BLKD):

Kawal-alagad ng malaya at mapagpalayang pamamahayag

Mga gabay sa paglalayag ng mga sa larangan ay lagalag

Sumasalag, pumapalag, upang umalagwa sa pagkakabaon

Sa libog sa katawan, yaman, dahas, at bisyo ng lumang panahon

Huwag malinlang sa gunita ng aming kabutihang loob

Bagama’t kalma bulka’y marunong pumutok

Matibay ang paninindigan, hindi mapapaluhod

‘Di makakalusot katwirang bulok sa ‘ming mga makatang hubog

Sa digmaan ng bigkasan at digmaan sa lansangan

Ang kargada’y nagbabagang ABaKaDa ng paglaban

Mga bara mala-bala bawat tama pantama ng mali

Tatamaan ang lahat ng magkakamaling magtanggol ng maling gawi

 

Verse 2 (KJah):

Ambisyon mo ang manguna nang nakaupo lang

Hampasin nga kita ng bangko sabay tasa sa nabali at gawin kong panulat

O isaksak ko sa lalamunan, tiyak bigla kang magugulat

Walang patak ng dugong lalabas tanging tatagas ay laman ng pluma

Ito ang dahilan ba’t kami sinilang, sining na maglilinlang

Sa mga pansarili mong adhikain, bumabaling sa atensyon, pinansin ng karamihan

Inaalok ng mabilisang pabuya, ‘di na kailangang maghabol

Pero hangga’t may tulad mong naliligaw, mas pipiliin kong magtanggol

Ngunit kinatataka ko ba’t sama ng iyong titig

Daig mo pa aking magulang ‘di ako mapilit-

Pilit kumaibigan ng sakristan nang magbago

Ihip, isip ko’y mawala sa paggawa ng pangit

Bakit mo ginising ang natutulog kong kasamaan?

Para ‘di mahalata, ay aking dinaan ang pagpatay sa pandiwang makabuluhan

Atin lang

 

Verse 3:

(KJah)

Apat na letrang may tangan ng apat na milyong ulit ng bangis

Hindi nakuntento sa panaginip sinabuhay ko imbis

Ipagpatuloy ang pagtulog, sumagasa ako sa mga panganib

Nag-iwan ng bakas sa mga nais makabawi sabay harang ng balakid

(BLKD)

Ganid at gahaman, tinatapakan | Batang tubigan, sanay maputikan

Bagama’t puro, utak at puso, kapag naabuso, handang madungisan

Kaya hwag nang magtangka pang sumagot nang pabalang

Matamis mang magsalita, matalim ang dila ng sikmurang halang

(KJah)

Magwawakas na rin ang pagdadalamhati

Sa pamamagitan ng tula namin ang iyong ngiti

Minsan ka na lang makarinig ng walang halong landi

Tipong mapapatayo ka kahit sugatan ang binti

(BLKD)

Aming minimithi na maging binhi ng pagbabago sa mga isip na pilit i-

Sinasarado, aming titik ang magsisilbing bakal na maso, pampalaya sa sinisikil

(KJah)

Pare ituring mo kaming tumatapik, sa mga nagdedeliryong dapat naghahasik

(BLKD)

Nanlalamig, aming sinasampal upang magising isip na ngawit

(KJah)

Di makapaniwala sa kung pano kami bumirit, ang mga ‘di sumangayon ay nagkakandirit

(BLKD and KJah)

Mga tunay na kawal ng kultura muling nagbabalik



OTHER LYRICS

Mao Ni Ang Barug

Brave
Midnasty
2015 Album

Fiestahan

Miryenda Deluxe
Pure Mind Quiet Heart
2018 Album

All On Me

So Help Me God Vol. 1
Karencitta
2016 Album

It’s A Trap

Au Naturel EP
DB x Kessiah Bravo
2017 Album

North By Northwest

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

FEATURED ARTICLES