Si Berto ay kabataang kasama, lumaking katu-katulong ng amang magsasaka
Sa pagbababunga ng lupang di kanila
Sa laki ng upa halos wala nang matira sa kita
Kaya matapos ang pangatlong bagyo
Matapos mamatay kanyang amang byudo
Pagka’t panginoo’y walang sinasanto, sa pag bubuwis siya'y lumayas
Siya ay nagpasya lumikas sa Maynila pag-aangat ng kabuhayan ang adhika
Handang makipag sapalaran sa siyudad
Kung san umano mas oportunidad
Kaya't isang tahimik na gabi ng Disyembre
Baon ay isang kaban bigas at bente
Siya'y nag jeep handa na maglaboy
Dinukot niya ang bente ibinayad kay Boy
Si Boy ay tsuper ng jeep
Nakikipasada lang kaya graveyard shift
Baon sa mataas na boundery at gasolina
Kapag walang mahiram na jeep walang siyang kita
Kaya ngayon pag ka gipit niya ay sumaklap
Pampakain,pampaaral sa walong anak
Pambuhay sa pamilya pang kotong sa parak
Kaysa raw mag nakaw siya'y bumatak
Siya’y namasada ng dalawang araw
Tuloy-tuloy walang antok na dumalaw
Sinaid ang lakas ng katawan
Para lang masulit na hiram na sasakyan
Biglang umatake pagod niya sa byahe
Pag sakay ni Berto agad umabante
Tnanggap ang bayad paningin ay hazy
Tinitigan ang bente at sinukli kay Baby
Si Baby ay saleslady high heels,l ow pay eight hours daily
Kontraktual kada anim na buwan
Mangangaso nanaman ng mapapasukan
Ngayon kabuwanan na ng kaniyang kontrata
At ng kanyang pagdadalang bata
Wala pa naman katuwang na asawa kaya't lumuluha siyang pumara
Siya ay nag tapos ng I.T pagkakaroon ng akmang trabaho panay unlikely
Nabuntis ng wala sa plano
Kaya nag tiis sa ibang trabaho
Ngayon pauwi sa may eskinita
Siya'y naglalakad ng biglang hinila
Punyal sa leeg bantang sasaksakin
Dinukot niya ang bente
Isinuko kay Ben
Si Ben ay batang maralita
Tubong komunidad
Na takda ng magiba
Sa hirap ng buhay di nakapag-aral
Sa murang edad siya ay nangalakal
Ngunit nang magkasakit batang kapatid
Ultimo pang kain ay di na maitawid
Hindi patas ang buhay kanyang nabatid
Kaya't sa patalim siya'y kumapit
Siya ay nang holdap gabe-gabe
Mabilis ang pera at malake-lake
Sinusugal ang buhay at kalayaan
Para lang sa kapatid na inaalagaan
Pagkakuha niya sa buntis ng bente
Siya'y tumakbo diretso sa palengke
Bumili ng bigas huminging diskwento
Dinukot niya ang bente
Ibinayad kay Berto
Bente, bente, bente