Verse 1:
Una sa lahat
Di na sakin bago ang pangungupal at dakdak
Hanap butas kay arkitekto
Ang sisipag maghukay na para bang mga minero
Sa FlipTop sasalang
Puro talo pero ubod pa rin yan ng yabang
Walang sinabi sa laban
Makakalimutin, literal walang sinabi sa laban
Laging nagaangas
Hindi sumikat kaya sa komersyalismo ay banas
Inggiterong purista laging nagmamataas
Eh tangina, alagad lang naman ni Batas
Ang dami mong alam
Laging pinagiinitan, di naman ako kalan
Gayun pa man, di ako gumaganti
Pagpatuloy mo na lamang ang yong pinagsasabe kasi
Chorus:
Wala akong pake (Wala, wala, wala, wala)
Wala akong pake (Wala, wala, wala, wala)
Sa dinami mong sinabe, tol, wala kong pake
Verse 2:
Di na bagong balita
Madalas nga makalimot sa liga
Pero laban nang laban, kahit ganyan
Kaya pano mo naisip na meron akong pakialam
At oo nga hindi sikat
Numero ng suporta? Ako'y medyo salat
Kahit konti lang sila, hindi nakakaburat
Pagkat taga-suporta ko ay kapwa manunulat
Kapwa musikero at sundalo ng ating kultura
Suportang hindi base sa imahe at sa postura
Kaya di man patok sa madla
Siguradong aking tagapakinig, lirisismo ang sadya
Kaya di mapagkakaila
Na ako yung tipo na di niyo pwedeng magiba
Kasi sa bawat paratang at negatibong salita
Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa kasi
Repeat chorus
Verse 3:
Bat naman ako makikinig sa mga panggagago
Eh wala namang alam sa kultura ang mga gago
Kasi Ilang solido na kanta na ba ang nagawa mo
Ilang beses ka na ba nakatapak sa entablado
Kung sagot mo ay wala pa, bunganga mo'y isarado
At malamang sa malamang
Hindi mo pansin ang sarili mong katangahan
Si Arkitekto ay ganto, si Arkitekto ay ganyan
Bukang bibig mo tuloy? Si Arkitekto lang naman
At dapat matik na to
Wala akong obligasyong paligayahin kayo
Ako ay naging musikero para sa sarili ko
Kaya naman tugon ko sa lahat ng sasabihin niyo'y
Repeat chorus