Chorus:
Ang hiling ko para saking mga kababayan
Ay isang karumal-dumal at brutal na kamatayan
Paglaanan na ng bala ang mga tampalasan
At iyan ang kapalaran na di mo matatakasan
Kaya!!!
Magsihanda na sa pag danak ng dugo
Magkakaubusan ng lahi sa pag danak ng dugo
Ako ay nasasabik na sa pag danak ng dugo
Sa pag danak ng ano? Sa pag danak ng dugo
Verse 1:
Hindi 'to awit ng pag-asa
At di hamak hindi to awit para magbuklod ang masa
Palasak na, parang sira na plaka
At sa dami ng gumawa non, may nangyari ba? ASA!!
Kasi ang laging bukang bibig ay magkaisa
Tangina, ang galawan ay salungat at magkaiba
Kasali ka sa lunod sa panibugho
At isa ka sa rasista sa sariling kadugo
Kasi pag probinsyano ka, laging bobo ang pintas
Sabay mayayabang ang nasa kapitolyo ng Pinas
Kung mahirap ka naman, wala kang pinagaralan
At walang alam sa buhay ang mga mayayaman
Kasi nga Pilipino ka at sobra mong galing
Kapit bisig mo mukha mo, puro tayo sakim
At dahil Pilipino ka dapat mong tangapin
Na ika'y maledukado, ignorante, at skwating
Repeat chorus
Verse 2:
Sana maulit na lamang ang kahayupan
Ng mga dayuhan na nagsitawid sating bakuran
Pagka’t basura ang lipunan, huwag na pagtalunan
Isaksak ang totoo sa inyong mga lalamunan
Kaya sa mga gustong manakop, halina
Hapon, Kano, Kastila, ako ay nasasabik na
Sa ano mang lahi na satin mang-aalila
Pakiwasak naman ang aming bayan na mahina
Ikalat sa balita pagpunit sa bandila
Bombang nukleyar sa kalagitnaan ng Maynila
Dali na! Limasin ang aming likas na yaman
Sagasaan ng tangke bawat tahanang madaanan
Pag aastang bayani, meron yang kalalagyan
Gahasain ang asawa niya sa kanyang harapan
Gilitan ang mga anak para wala ng maramdaman
Patay ang puso ng mga Pilipino, malamamang. Kaya ...
Repeat chorus
Verse 3:
Ngayon... kung ikaw ay nasasaktan
Ibig sabihin di mo pa napunan ang mga patlang
Pagsigaw ng pagkakaisa ay nararapat lang
Ngunit walang makapagsabi kung pano to makakamtan
Salita ay maanghang, radikal ang paraan
Pero kamatayan ang huhubog sa tamang daan
Kung hindi ka sang-ayon, isa ka sa mga mangmang
Pagka’t ebidensya mismo ang ating nakaraan
Baka nakakalimut ka sa na nagsipunta
Na mga mananakop na satin nangalipusta
Napanasin mo ba na nagbuklod ang madla
Nung nagkaron ng banta ng pagdurog sa bansa
Walang mayaman o mahirap, muslim, o kristyano
May pinagaralan o wala, nagkaisa ang tao
Kaya sa tawag ng kamatayan, wag kang kabado
Sapagkat yon ang oras ng pagsibol ng pagbabago