Naghahanap ka pa ng Ahon 15 Day 3 tickets? Basahin mo ‘to.
Ngayong Sabado na gaganapin ang unang FlipTop event ng 2025. Ito ang Day 3 ng Ahon 15. Sa mga hindi pa nakakaalam, ang venue ay sa Events Pavilion sa 500 Shaw Zentrum. May walong laban sa lineup at kahit lahat ay non-tournament, hindi niyo pa rin dapat palagpasin ang mga ‘to. Samu’t saring stilo ng battle rap ang inaalay ng gabing ‘to kaya humanda sa isa nanamang makasaysayan ng gabi para sa eksena.
Pwede ka pa ring mag-PM sa Facebook page ng FlipTop kung nais mong bumili ng tickets pero maliban diyan, meron mga opisyal na resellers. Makakabili ka rin ng Ahon 15 Day 3 tickets sa mga sumusunod: HYPEBEAT, KRWN., Black Manila, Meek and Chill Clothing Shop, at ULAP Clothing. Maaari kayong mag padala ng mensahe sa kanila o puntahan ang mismong pwesto nila. Nasa pahina nila ang kanilang address. Kung may natira pa kayong budget, wag kalimutang suportahan din ang kanilang mga produkto. Hindi lang kalidad kundi abot kaya pa.
Eto nga pala ang presyo ng tickets: GenAd (850 pesos), VIP (1,250 pesos), at SVIP (1,750 pesos). May kasamang isang libreng beer lahat yan. Paalala lang na PRE-SALE prices po ang mga yan at hindi muna naglagay ng pang walk in para tanchado ang mga makakapasok sa Events Pavilion at maiwasan ang pag-apaw ng tao. Kung sakaling may natira pang tickets ay dun na maglalabas ang liga ng walk in (mas mataas nga lang ang magiging presyo nito). Mas mainam na ngayon palang ay bumili ka na. Sa mga meron na, kitakits sa Marso 29 para sa Ahon 15 Day 3!