Ang pagbabalik ng Behind The Sound! Para sa panibagong kabanata, halina’t kausapin natin si Tatz Maven.
Maliban sa pagiging isang emcee, kilala din siya bilang isang tanyag na producer. Tumatak ang kanyang tunog dahil sa mabisang paghalo niya ng makabago at tradisyonal na stilo. Siya yung tipo na kayang makipagsabayan sa anumang klase ng musika. Ito ay dahil sa lawak ng kanyang kaalaman hindi lang sa hip-hop, kundi pati sa iba’t iba pang mga genre.
Sa panibagong kabanata ng Behind the Sound, tayo’y makipagkwentuhan kay Tatz Maven ng Uprising. Ano nga ba ang nag-tulak sa kanya para gumawa ng beats? Paano ang proseso niya? Lalaban pa ba siya ulit sa FlipTop? Yan at iba pang mga katanungan ang sasagutin niya dito. Simulan na natin…
1. Kailan at paano ka natutong gumawa ng beats? Eto na ba gusto mong gawin simula nung namulat ka sa hip-hop?
Mga 3rd year highschool. Dati pa lang mahilig na talaga gumawa gawa ng mga riffs sa gitara. Pag ako humawak ng gitara alam na agad ng mga tropa na wala akong tutugtugin kanta puro gawa gawa lang. Siguro dun nagstem yun. Then pumasok na yung FlipTop, nagkaroon na ako ng interest sa hiphop. Na intriga ako sa music side ng mga artist. Isa dun yung The Ones Who Never Made It ni Loonie. Dun ko ata nakita yung "Produced By" sa mga titles. Tapos nakikita ko pa siya lage sa mga titles ng mga kanta ng PRO ERA at OFWGKTA. So naging curious ako sa ganun. Kaya ayun napa-research at naisip ko gawin ko rin yung ganun.
2. Anong kanta (local o foreign) ang nagsilbing inspirasyon sayo bilang producer? (pwede magbigay ng higit isa)
Nagpop-up sa isip ko is Fromdatomb nila Joey Bada$$. Siguro first time kong maka-encounter ng sampled song dun. Narinig ko yung sample sa larong L.A Noire then nung narinig ko na yung kanta nila napaisip ako na pwede palang ganito. Gawa ako ng sarili ko.
3. Sinong producer naman (local o foreign) ang nag-impluwensya sayo? (pwede rin magbigay ng higit isa)
Yung mga producer nila Joey Bada$$/Pro Era, OFWGKTA, Kendrick, Mac Miller yung era na yun. Yung 2010-2013 sound. Yung new take ng old sound dun talaga ako na-inspire. Kaya mahilig pa rin ako gumamit ng maruruming drums at ginagawa kong tunog "Sampled" yung melodies ko. May perfection sa imperfection ng sound na ni-revive nila but mix with a modern punch. Tapos later on na sila Dilla at Premier.
4. Ano ang ginagamit mo sa pag-gawa ng beats? (MPC, Fruity Loops, Reason, atbp.)
FL Studio 11 na cracked lol. Hanggang ngayon yung 11 pa rin yung gamit ko. Sinubukan ko na yung 20 at iba pang DAW pero nasanay na kase talaga ako. Tinatamad lang din ako mag-aral ulit pero hopefully soon.
5. Ano ang proseso mo sa pag-produce? Ikaw ba yung gumagawa kahit wala pang artist na sasalang o may naiisip ka na agad na babagay sa instrumental?
More on I just make beats. Let it sit for a minute. Listen to it again then wait na may pop-up na voice then saka ko na isi-send. Later on, nagkaroon ako ng Kalabit Sessions at dun ko nadiscover yung magic ng sitting with an artist. Mas prefer kong ganun kase mas mabilis yung flow ng ideas. Pag online naman yung katrabaho, I prefer na siya mag-dictate ng direction or vibe then ako na magfi-flesh out ng idea niya.
6. Meron ka bang preference (boom bap o trap) sa tunog o depende talaga sa mood?
I make anything. From Pop, Hiphop, Punk Rock, Dance, Ballad & etc. ginagawa ko. I just make my own version of every music that I like.
7. Sa mga hindi pa nakakakilala sayo, maaari mo bang ibahagi dito ang ilan sa mga nakaraang proyekto mo?
Mayroon akong album called "Sige Simula" debut ko yun. Mayroon din akong album with highschool friends OSD na "Tukalo Mixtape". Pop leaning naman to na album. May "Kalabit Sessions" din ako. Online show at album na din siya featuring various artist. Nagpro-produce din ako ako sa mga ibang artist, sila A$TRO, ZAE at Ron Henley to name a few. Mayroon din kaming album ni KJAH, ako naka-toka sa production.
8. Mas aktibo ka nga talaga sa pag-produce ngayon o may sinusulat kang mga bagong kanta?
Oo after ko mag-release ng album, nag-focus ako sa pagpo-produce. May factor din yung pandemic, kase di ko na-perform yung album ko so bale nag-resort nalang ako sa production kase pwede ko siyang magawa kahit nasan man ako. After these projects with different artist I hope baka masingit ko na yung sarili ko.
9. Ano naman ang kwento sa Kalabit Sessions? Magkakaron ba 'to ng season 2?
Matagal ko ng plano gumawa ng katumbas ng "The Cave" ni Kenny Beats. I like the idea and the energy. Then one day nakitambay si BLKD sa Baraks then saktong parang gusto niya mag-warm up ulit sa pagsusulat. Nandun din si Lanz kaya ayun natuloy na nga yung idea ko na gumawa ng ganun.
10. Kumusta naman ang experience mo bilang battle rapper ng FlipTop? Makikita ka ba ulit namin dito balang araw?
Thankful pa rin ako sa mga experience ko sa Fliptop. Most of my following dun talaga nanggaling kaya it plays a big part of what I have right now. To be honest from the start tinuturing ko talagang pang jump-start ng career yun. Alam ni Anygma yun na gusto ko lang mag-promote ng music ko. I am a fan of battle rap but di ko talaga fully na-enjoy pag ako yung nasa process unlike sa production. Sadly i am not as passionate enough sa battle rap. I know I can do it, I know I can give quality material or battles. Kaya ko yun. Pero yung desire and passion towards doing the thing, dun ako rocky. Di ko pa rin sinasarado yung pinto tho. I am still a fan of it.
11. Sino naman ang mga paborito mong battle emcee at ano ang mga paborito mong laban?
Erpat ko si Sak, sila BLKD at Loonie. Favorite battle ko is BLKD vs Apekz.
12. May iba ka pa bang nirerepresentang kampo maliban sa Uprising? Anu-ano ang mga 'to?
OSD yun yung mga highschool friends ko. Pangkat Magat/Digmaan yun yung parang collective namin sa GenSan. Good friends din ako sa NoFace, ngayon nakikiluto sa LIAB Studios. I work and represent my good music friends.
13. Ano ang masasabi mo sa local hip-hop ngayon, lalo na pag-dating sa production?
Unti unti ng namamatay ang jacked/download beats. Mas marami ng talents. Mas marami ng DIY producers. Di tulad ng dati na malaki ang chance na same kayo ng beat na dinowload.
14. Ano naman ang pananaw mo sa mga artist na gumagamit ng nakaw o downloaded na beat?.
Magsta-start talaga ng ganun. Lack of resources, lack of connections. Okay lang yun. Pang-practice yun. Eventually pagtumuloy tuloy na sa karera, hopefully they meet the right people along the way para graduate na sila sa download beats. Pero nothing really wrong about that. Si Joey Bada$$ dun nagsimula si Kendrick dun nagsimula, so yeah keep going.
15. Ano ang maipapayo mo sa mga nagbabalak pumasok sa beat making?
Do it everyday but not all day long. Bite size workload lang para iwas burn out at para balanse pa rin ang buhay. Kailangan pa rin nating mabuhay to give life to the music.
16. Bago 'to matapos, may mensahe ka ba sa mga sumusubaybay sayo? Atsaka ano pa ang mga parating mo na proyekto?
Mahal ko kayong lahat.
Maririnig niyo ang mga proyektong nilabas ni Tatz Maven sa lahat ng kilalang streaming sites. Para manatiling updated sa galawan niya, huwag niyo rin kalimutan sundan ang pahina niya sa Facebook pati YouTube. Sana ay marami kayong natutunan dito at patuloy niyong suportahan ang ating lokal na artists. Kita kits ulit sa susunod na Behind the Sound at syempre, maraming salamat kay Tatz para sa oras!